Saturday, March 20, 2010

När Jag Hör Hans Röst (When I Hear His Voice)

Just the other day, my agent called me to check if I was free to be a support character for a commercial. Political advocacy for a "healthy drink". Mabilis lang naman daw. Since I didn't really have anything to do, I committed myself to that project. Super sandali lang ng exposure ko (kung meron man..hahhahaha). The experience was fun. Again, I get to meet a lot of new people.

I met this guy there sa shoot namin. He's into modelling na din for quite some time kaya he knows a lot of the ins and outs sa industry daw na ito. We should work really hard in this industry while we have the chance and while we are young. Kasi sabi nga nya, which is true naman, marami na ang bago. New faces. And even foreigners are coming na to the Philippines to penetrate this industry.

Yeah. I know. Why bother working here if this is gonna be temporary lang naman? Kung ang itatagal mo lang sa business na ito ay kung maganda or gwapo ka pa sa paningin ng iba? I dunno. Its fun kasi eh. Lalo na if you get to book a job. Then you meet great people. Tapos malaki din ang pera! heheheheheh

Going back, sandali lang ako nag-shoot doon. Isa, dalawang scene lang then bayad then alis! One hour and thirty minutes lang din ang tinagal ko dun. Medyo late na din ako nakapunta so okay lang. Di naman masyado pagod. GUTOM LANG.

Ewan ko ba. Ang hirap i-control ang appetite ko. As in. Malakas ako kumain. Siguro may limang kargador sa loob ng tyan ko. Pero di naman ako tumataba. Bihira nga lang ako mag-exercise eh. Name-maintain lang. (YABANG!)

Anyways... after nung shoot na yun, I went to back to Makati to eat. Malapit lang kasi sa location ng shooting eh. Napagtripan kong kumain sa fave kong pizza resto. Yummy! Grabe. Umiral na naman ang katakawan ko. 

And speaking of trip, bigla ko naisipang i-text si Nate. Niyayaya ko syang kumain sa labas. Well, I just tried it lang naman kung magre-reply sya. JUMPING JUPITER!!!! Nag-reply nga! So pumayag naman sya na makipagkita at kumain kami sa labas. Minsan ko lang naman sya ma-treat eh. Ang ganda ng gabing iyon.

Nandun ulit sya sa harap ko. Naninigarilyo. Nakangiti. Pumapalakpak tenga ko. Hindi lang halata. Hindi na naman ako makatingin ng deretso sa kanyang mga mata. He looks good pa din. Masarap..... yung lasagna..... hehehehehe

After namin kumain, usap-usap lang. I feel relaxed everytime I hear him talking. Its like I'm home. Drama?!?!?! Alam ko makulit na ako. Pasensya na. Bata pa po ako. Matigas ang ulo. At ayun nga. Usap-usap lang. I'm always interested in him and his stories. Congrats nga pala kasi naman nagbabawas na sya manigarilyo at nagiging active na sya sa kanyang lifestyle. He got thinner nga eh. May kinapa akong matigas sa pantalon ko. Mobile phone ko yun. May nag-text eh. (Kung napangiti ka sa nabasa mo, pwes, madumi ang utak mo... hihihihihihi)

I miss kissing him. I hugging him. I miss being around with him. At least yung "being around with him" part ay na-satisfy naman kasi nagkita naman kami at nagka-usap. Haaaaay. During the time na magkasama kami, I was still trying to remind myself na friends lang kami. 

Parang ganito ba.

"Oh, ayan Gaspard, nandito na si Nate"

"Oo nga eh. Ang gwapo nya..." (kilig)
"Tumino ka nga! Friends nga lang eh!"

"With benefits?"

"Gago! Pinagbigyan ka na nga lang ng tao eh."

"Sige na nga. Hhhhmmmmmppp!!!"

So ganun yung takbo ng utak ko ng mga panahong iyon. Parang retarded lang. At natapos na nga ang gabing iyon. Masaya ako at nakita ko sya. Nakausap. Like good friends... You know what? I've been thinking... may mali ba sa akin? Kasi naman, last year pa nangyari yung mga pangyayari pero I still have these feelings towards him. Ang labo nga eh. I remember him tuloy, when Nate wrote something about his ex or boyfriend or friend or ewan... I forgot... Nung gusto na makipag-break ng boyfriend nya sa kanya and he was asking for another chance. When he "was" (or still is) madly in love with that guy, na eventhough he's really hurting himself na, hindi pa din sya maka-move on. Kasi he really felt something special with that guy. A spark. More like fireworks, I think. I don't really know their story. Ganito din kaya ang nararamdaman nya before? I would never know.

Nauna na sya umalis para walang makakita sa amin na magkasama. Naupo lang ako sa isang tabi. Nag-iisip. Gaspard. Panahon na talaga para mag-move on ka na. Masaya sya na wala ka na. At kaya mo naman mabuhay na wala sya bawat araw diba? Alam ko totoo ang sinasabi ko sa sarili ko. Tama ang iniisip ko. Pero at the back of my mind, ganun pa din eh. Maybe one part of my being will still be with him. Eventhough I'm gonna love him just on my own. I'm no longer expecting for him to come back. I will convince myself that he will no longer come back. He's happy out there.

Nakita ko syang naglalakad palayo. Napansin kong nakangiti na naman ako sa madalim na kalangitan. Maganda ang skyline ng Makati. Lalo na ang mga ilaw. Gusto ko syang habulin. Buti na lang napigilan ko ang sarili ko. Ayoko na eh. Pagod na pala ang mga paa ko. I hope this time, I'll be contented with what I have. Sana nga. 

No comments: