Saturday, January 8, 2011

Beau...again

It was a Saturday and we were both extremely bored. We didn't have anything to do right after work so we decided to go out together. I think some of you already knows who Beau is but for those who doesn't, basahin nyo na lang ang mga earlier posts ko. Katamad mag-lagay ng mga links eh. (Tamad talaga? Dapat pala ilagay ko sa New Year's Resolution ko yan. Ang maging masipag. Hehehe)

It's a good thing that I got over him na. Mabagal kasi sya masyado (I still don't know if he's actually gay or not...hindi na ako interesado malaman. Basta, I'm just cool being friends with him na lang.)

My girl officemate, a good friend of mine and of Beau's, needed to go somewhere so it was just the two of us who went out. As we were strolling sa Glorietta 4, he was sharing stories about his personal life. 

From what he was saying, I got to know him even better. He was telling stories about him and his girlfriend and their situation. That he wants to break up with her na but he's just waiting for her to dump him. Ang gulo. I just told him na if you care and still love her, why not ligawan mo ulit sya? (Ako na! Ako na si Dr. Love!)

Do you miss her?

No...

May third party ba involved?

Wala...

Ahhh...why not go to her place now? It's a weekend so why not go out with her?

Nah...I don't want to. Nakakatamad.

I think may pagkukulang lang kayo sa isat-isa kaya naging ganyan.

Hindi na nga kami nag-aano eh

Nag-aano? Ahhhh... Yung ano...

Hahahaha!

And he was telling me like how his barkada warns him to not treat his current girlfriend just like his past girlfriends. (May tendency so Beau na kapag nagsawa na sa girlfriend, bigla na lang mawawala.)

Halos nalibot na namin ang buong Glorietta 4 when we decided to eat na lang muna. Syempre, since we both like eating, we ate a lot. Pizza, pasta, chicken and sandwiches. Busog. Hahaha.

Napunta naman ang usapan sa akin. He was telling me that we should go to the gym together sometime. He thinks that I should gain more weight (ayoko nga!) para buff daw ang kalalabasan ko. (Nice. Kalalabasan. Hihihi) And on that day, I found out na ino-obserbahan pala ako nitong taong ito! He said na I need to tone my arms pa... and my chest kasi daw parang man-boobs (LOL)... 

After we ate, we decided na libutin naman ang Greenbelt since we don't want to go home yet. Nalibot talag namin ang BUONG Greenbelt sa sobrang walang magawa. It was almost 3:30pm then when he asked me if I want to watch a movie. I wanted to watch Gulliver's Travels but I wanted to watch it with Luch so I said no.

Nauwi na lang sa kantahan ang aming trip. Videoke mode kami. Sya pa ang nanglibre! Hahaha! Most yata sa mga nakanta namin ay puro cheesy love songs. Hahaha. Wala lang. Trip lang. Tawa lang kami ng tawa. Yung mga tao yata sa labas akala mag-jowa kami. Halatang kami ang pinag-uusapan. LOL.

We decided to call it a day and we headed back home na. Sabay ulit kami sa bus heading south. Sa bus, napag-tripan pa din namin ang mga commercials sa TV. Pati na din si Coco Martin. YUMMY! LOL.

Alam mo Gaspard, buti ka pa wala kang problema sa mga ganito...

Akala mo lang, Beau. Akala mo lang.

I got off the bus and saw him waving back at me. Ingat daw sa pag-uwi.