Saturday, January 29, 2011

En vecka (One Week)

Luch wanted to be the first guy....

A lot of things had changed for the better, I would say, since that "thing" happened though we are still in the process of making each other believe that we've "changed".

Relationships do mean adjustments, right? I guess I'm still in the process of doing my part.

Na-paranoid na din kasi si Luch kung ano ang mga ginagawa ko kapag lalabas ako, kung sino kasama ko, kung nakauwi na ako. Naging seloso na sya since that "thing" happened nga. At syempre, hindi din ako patatalo. Paranoid na din ako kung sino ang kasama nya, kung lalabas sya with his friends, kung nasa office na ba sya at madami pang iba.

Minsan nga natatawa na lang ako pero you shouldn't laugh at these matters din pala kasi one of the foundations of a good relationship is trust. We are still healing. I know that. But we are doing this process together. Holding hands. I can honestly say that each day makes us stronger. And more stable.

Going back, I just one of the best weeks with Luch. Kasi naman buong linggo kami literally magkasama. From Monday morning to Friday evening.

Iba talaga ang feeling kapag kasama mo talaga ang mahal mo. Kapag katabi mo lang. Kapag nasa bed lang kayo. Nakasandal sa isat-isa. Magkahawak ang kamay. Pinapadaan ang kanyang mga daliri sa buhok. Tapos nakikinig lang sa isat-isa magbarahan at magbitaw ng mga corny na jokes.

It became a habit of mine to stare at Luch when he's sleeping. I dunno but it calms me. It reassures me that he will stay. At hindi nagtagal ay ginaya na din ako ni Luch. Magugulat na lang ako na pagkadilat ng eyes ko, nakatulala na sya sa akin.

Ang daming nangyari sa week na ito. I'll just put the memorable stuff here.


  1. Nang sabay kami magigising sa umaga. May muta pa ang mga mata at mabaho pa ang hininga. Hahaha!
  2. Nanonood kami ng mga Filipino comedy films. Saya. Hehehe.
  3. Sabay kami kumakain ng dinner/lunch. (Alam kong lagi namin iyon ginagawa pero I still look forward for the dinners that we'll have)
  4. Pumunta kami sa kung saan saan. (Naglalakad lang kami sa Ayala nang naka-shorts, t-shirt at tsinelas...weird lang kasi hindi talaga ako lumalabas ng bahay ng hindi naka-ayos)
  5. Nasanay na kami na bebeboy ang tawagan namin sa isa't-isa. (Kahit na nasa public place kami at madaming tao, hindi na namin napipigilan ang aming mga dila. Hahahaha.)
  6. Minsan na sabay kami naliligo sa shower. (Hehehehe. Tapos sya pa mismo nagsasabon sa buong katawan ko.)
  7. Uber-hot sex. (Enough said.)
  8. Kulitan sa text. (From kamustahan to corny jokes to the cheesiest of lines.)
  9. Nagsasabihan na mahal namin ang isat-isa.
  10. Kinakantahan ang isa't-isa hanggang inaantok na kami.
Luch really wanted me to get rid of the memories I had with "other people" sa "mall" and "restaurants" and "sa videoke" kaya he made an effort to go to all those places with me. Para masabi nya na "Ayan! Ako ang huling nakasama mo dito! Burahin mo na sa isip mo yung ibang nangyari dito. Ako lang dapat ang naaalala mong nakasama mo dito!"

It made me smile. Mahal nga ako ni Bebeboy. LOL.

Maybe this is the most memorable thing that happened with us this week.

He told me one of the sweetest lines that I have ever heard.

"Diba ito ang first ever Valentine's mo na may boyfriend ka?"

I said yes.

"Gusto ko ako ang first mo sa lahat ha."

"What do you mean?"

"Basta, gusto ko na ako ang first na kasama mong pupunta sa isang lugar, na ako dapat ang kasama mo na kakain nito, na sabay nating gagawin for the first time ang isang activity...basta gusto ko nandoon ako sa lahat ng firsts mo."

It made my heart melt. Mahal na mahal ko ang taong ito. I can't imagine life without him anymore.

"Alam mo, dehado na nga ako sayo eh."

"Nyek! Ano na naman yan? Bakit mo nasabi?"

"Ilang taon ka na Bebeboink?"

"21."

"Ako 30 na so..."

"31 na! At lalampas ka na sa kalendaryo? (BWAHAHAHA!)

(Kukurutin ako ni Luch)

"O sya sige...31 na....Imagine...almost 10 years?"

"10 years?"

"Almost 10 years na ako naghihintay para makasama ka."












Napagtripan naming kumain sa Sbarro. Eto ang ilan sa mga nilamutak naming pagkain!


See you again on Monday, Bebeboy!

Enjoy the weekend with Joe! :D


________________________________________________________________________

Nahuli ako ng officemates ko na kasama ko si Luch sa Sbarro. Alam kong pinagchi-chismisan nila ako. At alam kong pinag-iisipan nila kung "confirmed" na ba talaga ako. Hahaha! Iniiwasan na ako ng girl na may crush sa akin pati na din yung guy officemate ko na nagtapat sa akin ng kanyang "panliligaw" sa akin pero I turned him down kasi sabi ko "straight" ako. So far, hindi pa naman nila ako kino-confront pero I dont really care about what other people may think. I'm happy.

________________________________________________________________________

Pinahiram sa akin ni Luch yung jacket nya. Hanggang ngayon, suot ko pa din sya. Nandito lang ako sa kwarto, naka-max ang aircon at inaamoy ang jacket ni Luch. Mabango pa din. Nami-miss ko na sya! Ilang oras na lang... Monday na ulit! hehehehe!

2 comments:

engel said...

i read your reply. and the rest of your latest entry. i'm glad you're both okay.

not perfect, but good. just hope maging truly perfect na yung relationship ninyo.

:)

Gaspard said...

yeah....we're still on the process though... lagi nya akong sinasabihan na hindi nya na pa din nakakalimutan yung "thing"...hahaha...but we're good...

our love grows stronger by the day :D

hope you and your Kid are doing great! Hugs!