Sunday, February 13, 2011

What happened this past week...

Bakit parang madami yatang namamatay ngayon na kakilala ko?

Tsk tsk..

There was my Lola. Honestly, we didn't want her to suffer anymore. I know that she had been a great mother to my dad and was a very good grandmother to me. I love her very much. She died peacefully last week. I know that she' with our Heavenly Father and with Lolo now, as well as with her parents and other family members.

Dahil dito, biglang nagpuntahan ang aking mga kamag-anak. At nalaman ko na isang malayong kamag-anak pala namin si Rafel Rosell! Hehehe!

Another one was murdered. I think you already heared this from the news. A family was murdered here in Cavite. That family was close to my mother and to my sister. Classmate yata ng sister ko nung highschool yung teenager na pinatay. Buti na lang, nahuli na agad ang pumatay. Ang mga murderers ay kamag-anak ng mga victims.


__________________________________________________________________________________


Ako naman ay naghahanap na ng bagong trabaho! Sawa na ako sa aking present job at gusto ko naman ng isang career change!

So far, the experience is good. Hindi pa ako nagpa-pass ng aking resignation letter sa office not unless may sure na akong mapapasukan. Mahirap na. Kelangan ko ng pera. High maintenance ako eh. LOL.

Kasama ko ang isang batchmate ko sa college maghanap ng bagong work. Kung saan saan kami nakakapunta. Hehehe. Eto ang ilan sa mga napuntahan ko.

Mega Publishing - Ang taray! Parang nasa "Devil Wears Prada" lang ako. Ang posh ng office. Parang bitchy nga ang mga employee dun eh. Walang wala kami sa mga shoulder pads nila! But I don't see myself working there. I dunno. (Hindi pa kami nagfa-follow up ng friend ko dun. Nag-iwan lang naman kasi kami ng resume dun just in case naghahanap sila ng tao.)

Summit Media - Mas mataray sa Mega Pub! Naglalakad pa lang kami papasok ng kanilang building, madami nang uber fashionista sa labas! (Ang taray ng leopard print high heels ni Ate!) (Syempre, hindi nawala ang mga paminta na nagpapa-cute. Hehehe) Katulad ng sa Mega Pub, hindi naman namin alam kung naghahanap sila ng tao so nag-iwan lang kami ng resume. May nagyaya nga sa akin na kung gusto ko daw sumali kasi may go see for a speed dating thingy yata ang Cosmo Mag. Naisip ko "Ate, hindi kami talo. Parehas lang kami ng hanap." Hehehe.

Solar TV - My friend heard na naghahanap sila ng bagong "talents" kasi magbi-build up ang Solar TV. They will start from scratch daw. Ang ending, tinawagan ako para mag-apply as a news reporter! Hindi ko naman masyado trip yun kaya hindi ko masyado pinagpursigihan ang paghahanda para sa interview. Feeling ko mas bagay yun sa friend ko eh. So pinapunta na nga ako sa office nila. Tae! Ang hirap ng exam! Halos kalyohin ang kamay ko sa kakasulat ng mga articles about things that I barely know! Current events! Politics! Bills and amendments! Pinadugo talaga ang mga utak namin! I know na wala akong panama compared sa ibang applicants na talagang sinisiryoso ang exam MALIBAN lang sa aking kagwapuhan! Hahahahah!

Time for the interview na! First interview with HR people! Babae. Feeling ko wala pang love life. Single pa yata. Ang action plan? Magpa-cute at bolahin si Ate!

"Oh, I see that you know a lot of languages."

"Yes. I've been studying those since I was in highschool. You see, I have a passion for languages." (Charot!)

"So how do you say "you're so pretty" in French?" (Tila nang-aakit si ate!)

"Vous etes belle." (Said with a flirty tone. Sabay ngiti at tingin ng deretso sa mata ni ateh!)

"Hihihihihi! Ang sarap naman pakinggan!" (kulang na lang yata mapa-ihi sa kilig eh!)

After the interview, napansin ko na yung iba, ang bilis ng interview tapos pwede na agad umalis! Pina-stay ako. Interview daw with the department head. Tawa lang ako ng tawa! Nakapasa ako sa first interview! Hahaha! After a few minutes, pinatawag na ako ng department head. Hindi lang pala sya department head. Sya ang mamahala ng Solar TV channel 9. In charge sya sa kung ano ang kakalabasan ng station! Napalunok ako sa kaba!

Babae ulit. Hard to please yata. Mabait naman pero hindi showy. Masyado professional. Action plan? Landiin ang department head! Katulad ng ginawa ko sa una, nakipag-kwentuhan muna ako sa kanya. I made the atmosphere light for the both of us. I guess that would be one of the talents that I have. I made myself comfortable and so did she. It was like a normal conversation. Nagtatawanan pa nga kami eh. Of course there are parts na "business side" ang pinag-uusapan pero nasagot ko naman sya ng maayos.

"So I see here on your exam paper that you don't know any of these politicians. And I see that you're not really aware about current events. What will make us choose you over the others? What do you have that other applicants don't have?"

Napalunok ako. Dry yung throat ko. "Patay" sabi ko sa sarili ko.

"I would say that I'm harworking and a fast learner. Even if I don't know who these people are, I am confident that I can study and be more familiar with them. I know that I need to pay more attention on what's happening locally but you see, my course tended to drive me to foreign news. If you're gonna ask me about what's happening in the international arena and about foreign politicians, I can definitely answer those. I know I can do this."

Napataas ang kilay ni ateh. Napangiti! Aba! Balik kami sa good atmosphere. Hindi nya alam na ginagamitan ko lang sya ng charm! Hahahah!

"Sige. I will consider you. You'll be receiving a call from us. The final interview will be a panel interview. There will be heads from different departments who will quiz you so you better be prepared and be sure to know what's happening locally. You have the "it factor" pa naman iho. All you need is the substance needed in this field. You know how to present yourself pa naman and you look good on TV. Kaya mag-aral ka ha. Prepare ka."

Nagniningning ang aking mga mata! Hahahaha! Mantakin mo yun! Nakalusot pa din?!?!? At first name basis pa kami!

Ang panel interview daw ay sa first week ng March. Hindi pa ako nag-aaral. Hindi ko na nga yata sisiputin yun eh. Kapag naghahanap na lang sila ng pang-music channel or yung TV host, dun na lang ako sisipot! Hehehe.

Standard Chartered - Disaster ang interview ko dito. Hindi nadala ng charm ko ang nag-interview sa akin. Babae. Matanda. Matandang dalaga pa nga yata eh. Nanlilisig ang mata. Parang color yellow pa nga yata ang mata eh. Nakakatakot. Puro business ang pinag-usapan. Lahat straightforward. Walang pakundangan. Feeling ko after ng interview ko, parang ni-rape ako. Hindi na ako nag-e-expect na tawagan nila ako. Hahahaha!

This week naman ay pupunta ako sa TV 5. Naghahanap sila ng talents and hosts para sa mga shows nila. Ewan ko. Kapag sinipag na lang ako. Hehehe.

__________________________________________________________________________________

Gusto ko manood ng SHOWTIME! Gusto ko din sumigaw ng "sample! sample!" nang hindi nagmumukhang tanga sa sofa namin at TV sa sala! Kelan kaya ito matutupad? Sigh....

2 comments:

engel said...

good luck sa job hunt. naku pag sikat ka na, wag mo ako kakalimutan ha. :D

Gaspard said...

hahahah! sana nga may makuha ako eh! hahahah! gudlak na lang sa akin! hahah!