Wednesday, March 2, 2011

Början Av Mars

Waaaaaah! Ang busy ko ngayon. Hindi ko na nga naa-update ang blog na ito eh. Siguro, natutupad na nga ang sinasabi ng Chinese Horoscope ko na swerte ang taon na ito pagdating sa work and career.

For the past weeks yata, kung saang saang company yata ako pumunta. Nagsa-submit ng resumes, applications, interviews etc...

Eto yata ang highlight ng mga na-applyan ko...

French Speaking Call Center Agent - I passed all the exams and initial interview. Syempre, pabibo din ako. Ako yata ang pinakabata sa lahat ng nag-apply. Hehehe. They scheduled me for the final interview. Patay. Everything, as in everything, was conducted in French. So at first, chismisan lang kami ni ateh, in French, para nosebleed habang nagkakamustahan. Matagal na pala si ateh sa kol-se-ner na yun. At laking Belgium ang lola mo kaya pala magaling mag-French.

So may konting role play. Ako yung top, sya yung bottom. Joke lang. Hehehe. Siya daw kunwari ang customer at tumatawag siya dahil hindi gumagana ang computer nya. Nalula ako. Nakalimutan ko na ang mga technical terms in French. Pero at the end of the interview, I did well naman. Napagana ko ang computer ni customer. We bid goodbye na. Whew! Masaya ako hanggang lumabas ako ng interview room.

May mga susunod pa pala sa akin sa interview. Ang isa ay anak ng OFW na laki sa France. Isa naman ay isang East African na native speaker ng French. At ang isa ay kararating lang din ng Pinas mula Belgium. Inisip ko. Wala na ang dream ko! Sayang ang offer na 65k per month!

News Reporter - In-schedule na ako for the final interview with the department heads. Nasa shortlist ako, in other words. Magandang opportunity sana ito for me pero this is really not my thing. Current events was never my forte. Lalo na ang local news. The salary offer was really not that attractive and the working hours will drain your energy. I know this is a great opportunity for some of those people out there. But I don't see working as a news reporter. Kaya lang naman ako nag-apply dito kasi sinamahan ko lang ang friend ko. Sana kung may lifestyle program sila na kelangan ng host, or for entertainment, AKO NA LANG sana kuhanin nila. Hahaha. Hindi ko pinuntahan ang aking final interview. Instead, my interview was rescheduled to Monday. Puntahan ko pa kaya???

VTR's and Go-Sees - Madami! This week nga yata halos twice ako in a day pabalik balik ng Makati dahil sa mga auditions na ito. At least madami! Mas malaki ang chances na makuha! At syempre, maraming cutie at hunks in all shades and shapes ang na-sight ko. Hehehe. Pero syempre, behave ako. Love ko kasi si Bebeboy :D

I have a new commercial coming up. Shooting is on this weekend. And I have another ad campaign with a mobile phone company coming soon. Sana talaga, magtuloy tuloy na ito! Hahaha! Sana maging artista na din ako para madaling mag-apply na congressman or senador. Hehehe.

By the way! Mag-audition din tayo sa Pinoy Big Brother! Sige na! Sabay sabay tayo mag-audition! Hahaha! I wanna be famous, I wanna be a star, I wanna be in movies!

I want to study Japanese! Nanay ko naman ay Haponesa pero ewan ko ba kung hindi nya kami tinuruan mag-Japanese nung bata pa kami. Kaya ngayon, naghahanap ako ng Japanese language school na magaling pero magaan sa bulsa. May mga suggestion ba kayo?

Madami na din akong priorities. Mukhang nagseseryoso na nga ako sa buhay. Pero syempre, joke lang yun. Hehehe. Madami pa akong kakaining bigas. Pero kelangan ko muna isaing yun para hindi masakit sa panga.

2 comments:

engel said...

ang saya naman ng job hunting. madami pa opportunity for you. sigurado yan. mukhang you're a man of many talents naman. :)

Gaspard said...

hahahaha! salamat engel! XP