Tuesday, April 26, 2011

Hur Du Skapar Din Egen Spöke

Sabi sa akin ni Luch, nag-e-emote na naman ako. Hindi ko daw maiwasan na I let my emotions get ahead of me. Well, ganun talaga eh.

This is what happened.

We were on our last night sa Bulacan. I was just lazing around sa terrace ng house nila when Joe, the other boyfriend, called. They were setting up plans for Valentines next year. All of a sudden, bigla akong nalungkot. At hindi lang basta lungkot. O.A. na lungkot. Ewan ko ba. Alam ko na naman ang pinasok ko pero hindi ko pa din mapigilan ang magselos.

I told Luch...

"So wala pala akong gagawin sa Valentine's next year..."

Maluhaluha pa ako...Hahaha! Joke lang. Sad lang.

"Ano ka ba boink. Eh mas mauuna pa nga ang anniversary natin dun."

"Eh magkaiba yun eh."

"Mas importante naman sa akin ang anniversary eh. Wala lang sa akin ang Valentines kasi pwedeng araw-araw naman Valentine's eh."

FINE. Kinilig ako dun. Pero I was still sad.

Mahirap pa din ang makihati lang.

Actually, mas madalas na ako ang kasama ni Luch in comparison to his other boyfriend Joe pero I still feel "not-so-complete-since-may-kahati-ako-sayo" kind of feeling.

I asked him, if he was in my position. What would he feel?

"Alam mo, i-manage mo lang ang emotions mo eh."

"Magseselos ka ba?"

"Oo naman pero kasi.... (the I cut him off)"

"Sabi mo oo. Hehehe. Ayun na yun."

"Isip bata ka pa din."

_____________________________________________________

When we came back to Makati, I was really looking forward to spend the whole day with Luch pero....for some coincidence, nagkasalubong kami ng landas ng kanyang bestfriend na tawagin na lang natin sa pangngalan na Peron.

A brief background...

Si Peron ay bestfriend ni Luch. Kwento sa akin ni bebeboy, nagkakilala sila ni Peron kasi type ni Peron si Luch. At doon na umusbong ang kanilang pagkakaibigan. Actually, they've been bestfriends since forever (8 years na daw) at madami nang pinagdaanan ang mga beking iyon. May konting inasikaso si Peron sa kanilang province kaya nawala sya sa Manila/Makati ng ilang months so I only get to meet Peron through the telephone. You see, Peron calls occasionally. At kapag tumawag yan, ayun...todo chikahan ang mga bakla. Doon mo din makikita na bakla talaga si Luch. Hehehe.

Going back....

Ayun...so nagkita nga sila sa labas ng condo. Nagulat lang ako kasi muntik na sila magbeso-beso sa labas. Hahaha!

So I was able to meet his bestfriend, finally.

Sa loob loob ko, WRONG TIMING NAMAN! Ngayon ko na nga lang masosolo si Luch eh!

And so, like any good-natured, well-mannered, prim and proper boy like me, I was nice and accommodating, kahit na sinira nya ang aking plano sa maghapon na iyon nang hindi nya nalalaman.

I was kinda surprised that afternoon nga eh. Luch was like on gay-amplifying drugs. Naumay yata ako sa salitang "beki", "bakla", "booking", "chupa" etc...

I was kinda relieved when Peron told us na hanggang 4pm lang sya kasi may booking sya.

Since pagod pa kami ni Luch sa biyahe, we slept muna while Peron was watching TV. Medyo maganda na ang gising ko UNTIL he said na hindi na lang daw sya tutuloy sa booking nya. Luch was very happy since makaka-bond nya ang isang kapwa diwata na super bestfriend nya talaga. (MGA BAKLA!)

Ayun. Nadurog ang puso ko. Pero I still acted to be nice and nothing's bothering me.

I was like "Ano ka ba! Friend ni Luch yan! Be nice! Ang tagal na nilang hindi nagkikita! Behave!"

Fine.

So ayun. I was kinda expecting na Peron will go na din since its about dinner time and may curfew siya sa kanyang tinutuluyan. PERO HINDI! HINDI TALAGA!

He decided to eat dinner with us.

I still acted cool, calm and collected. Poise mo hijo. Ang wrinkles!

Hindi na ako ginanahan kumain. That's when Luch noticed that there's something wrong with me.

"Bakit hindi ka yata kumakain? You barely touched your food."

"Hindi ako gutom. Madami kasi tayong nakain kanina."

Luch was still suspicious.

So we went up back to the condo after dinner. Dito...Dito na talaga naglaho ang pangarap na gabi ko.

Peron decided to sleep over. Of course, happy si Luch kasi mega bonding sila.

I was just like...sige. Fine. Nangyari na eh.

The three of us were talking sa rooftop ng condo. I was telling them that my Dad was calling me since may reunion silang magbabarkada at gusto ni Dad na nandun din ako.

My Dad keeps on texting me nasan na daw ako.

Then Peron said....

"You can go. I'll just stay here with Luch. Dito na lang ako matutulog."

&!#*^#@^@!

Dito na naman ako nag-start maging paranoid.

- I just met Peron and I dont fully trust him.
- Every 5 minutes, sex comes out of his mouth. I'm guessing that he's just that horny.
- I know for a fact na naging crush ni Peron si Luch....AT MAY NANGYARI na sa kanila before.
- BAKA KAPAG WALA NA AKO, BIGLA NYA NA LANG HALAYIN SI LUCH!!!

I made an excuse just to go out of the rooftop. Sinabi ko na I'll just call my Dad.

I hurried papunta ng condo.

I'M A BAD PERSON!!!! I WAS JUDGING THIS GUY RIGHT AWAY WHEN I JUST MET HIM??? AND THE FACT THAT HE'S LUCH'S BESTFRIEND! (I dunno but there's something really...uhhhmmm...basta something na weird sa kanya na hindi ko ma-pinpoint.) The fact na he's horny at baka pagsamantalahan niya si Luch!

Luch texted me.

"Bebeboink?"

Hindi na kasi ako bumalik sa rooftop.

So I just sucked it in. Wala na akong magagawa eh. And Luch seems to be enjoying Peron's company.

_________________________________________________________

Kinaumagahan....

Todo yakap (more like naka-pulupot) ako kay Luch kasi takot ako na mahalay ni Peron si Luch.

Biglang nagising si Luch. Naalimpungatan yata.

"Kinalabit mo ba ako?" asked Luch.

Sabi ko hindi.

Medyo tumaas ang dugo ko. Grrr. Did that Peron guy just touched my guy?

_________________________________________________________

This morning, Luch and I had a talk. Umalis na muna si Peron kasi he has to attend to something. Pero babalik pa din daw siya later. They will meet their other friends sa "gym".

"Bebeboy, can I tell you something?"

"Yes?"

" I dunno why Peron and I dont click with each other. I think its a big deal kasi he's your bestfriend and I dont seem to jive with him. And the fact na I know that I'm a bad person kasi I'm judging him agad agad, pero I can't help to think of him as someone na horny. Every 5 minutes, puro sex ang lumalabas sa bibig nya! Takot naman ako na iwanan kayo ditong dalawa kasi baka naman bumigay ka sa kanya...."

Luch cut me off.

"So ganun pala ang tingin mo sa akin. Kung kani-kanino lang pumapatol. Alam mo wala pa akong naging boyfriend na full yung trust sa akin. Ang tingin sa akin puta."

I crossed the line so I shut up.

(awkward silence)

I hugged him.

"Sorry. Paranoid lang talaga ako eh. Kasi takot na ako na maki-share pa ako sa iba." sabi ko.

"Alam mo okay lang. Nasanay na din ako. Pero sasabihin ko sayo ulit kasi nakakalimutan mo palagi. Hindi ako katulad ng iniisip mo. Good boy ako.

Kung maiwan man kaming dalawa ni Peron, magke-kwentuhan lang kami. At never kaming magtatabi sa iisang bed kasi alam nyang ayaw ko nang may katabi na hindi ko boyfriend. Kung dati man ay may nangyari sa amin, sobrang dati pa yun kasi magkakilala na kami even before kami nagkakilala ni Joe.

Ikaw lang naman ang gumagawa ng sarili mong mga multo eh.

Ganun nga ang bestfriend ko. Sex at booking nga ang laging binabanggit pero naglolokohan lang kami nyan. Ganun lang talaga kami maglokohan kapag magkakasama kaming friends.

Kung ikaw, hindi pa kumpleto ang tiwala mo sa akin, okay lang. Kasi isip mo yan eh. Hindi ako magpapaliwanag sa taong sarado na ang isip in the first place. Pero ako, basta, I'm keeping my promise. I'm a good boy just like what you told me to do.

Kung hindi man kayo magkasundo ni Peron, okay lang sa akin kasi hindi naman sila ang boyfriend ko eh. Ikaw ang boyfriend ko."

__________________________________________________

Oo na. Ako na talaga. Ako na talaga ang may pinakamahabang buhok (sa ilong) sa lahat ng lalaking paranoid sa partner nila.

Alam ko mali ako sa ibang bagay na ginagawa ko. And most of the time, I cross the line. Buti na lang natitiis ni Luch iyon. Hehehe.

"Alam mo bebeboink, napagdaanan ko na kasi yan dati. Graduate na ako sa ganyang klaseng ka-immature-an."

__________________________________________________

We still have a lot of growing up to do as a couple Luch pero I'm looking forward to grow with you. Kasi mahal kita.

Ayokong dumating yung point na feeling mo, nasasakal na kita. I dont want to steal your time away from your friends kasi hindi lang naman ako ang tao sa buhay mo. Plus, he is your bestfriend and I know that he's someone important din sayo kaya I'm really trying to act as nice and as civil as possible, kahit na ilang beses nya sinira ang quality time ko sayo in just less than 12 hours.

I love you, Luch!


















PERO WAG MONG SASABIHING DYAN NA NAMAN MATUTULOG SI PERON MAMAYA AH!

__________________

P.S.

I know I'm such a bad person for saying this in my blog. My apologies pero this is what I really feel right now. So go ahead. Tell me Im immature, a bad person and paranoid. Sigh.

Saturday, April 23, 2011

Dymmelvecka...

I'm somewhere in Bulacan right now. I'm spending the Holy Week with Luch sa kanilang house. Nasa tabi ko nga lang si Luch eh. Natutulog sa kanyang tomba-tomba(?). I like going here sa bahay nila, not because feeling close na ako sa kanyang mga relatives kundi dahil sa ambiance and the cool atmosphere dito. Probinsya nga eh. Parang ang bagal ng buhay. Nakaka-relax. Ang sarap ng simoy ng hangin. Presko. Kapag nasa amin ka naman eh paglabas mo ng bahay, masasagap mo agad ang alikabok. At tsaka, isa pa, I feel safe here na din.

I mentioned here sa blog ko na ito na hindi ako isang Catholic kaya sobrang hindi ko alam ang mga tradisyon ng mga Katolikong Pilipino. Natuwa lang din naman ako sa mga ginagawa nila. Ngayon ko lang naranasan sumama sa isang Prusisyon, na pinaparada ang mga Santo na nakasakay sa mga karosa. Ngayon ko lang din naranasan na tumulong sa pag-aayos ng mga kailangan sa Holy Week, lalo na ang paghahanda ng karosa. Ganun pala dito sa mga probinsya sa Pilipinas. Ramdam mo pa din ang bayanihan. Lalo na ang mga magkakaibigan, magkakamag-anak at makakapit-bahay. May pabasa din pala na ngayon ko lang din nalaman kung ano yun. Akala ko dati, charity work yun na natuturo ka sa mga bata kung paano magbasa.

Isang magpopoon din kasi si Luch at isinali nya ang kanyang mga poon sa prusisyon. Para sa isang non-Catholic, I felt like a fish out of water. Hindi ko nga kilala ang mga pinaparada nila eh. At talagang ginagastusan talaga pala ang mga okasyon na ganito. Santo-overload nga nung Wednesday and Friday eh. Ang daming naglalakihang poon ang mga nakasakay sa mga karosa. Madami ang may sound effects. Yung iba, may sariling musical band. Magagarbo ang mga bulaklak. Madami ding mga tao. Di mahulugang karayom kumbaga. Pero na-amaze ako sa mga taong napenitensya. Yung tipong nagdudugo na talaga ang likod ay tuloy pa din. Medyo naging jelly yung legs ko. Siguro, ang hindi ko pa din kaya ay yung tumungin sa mata ng mga santo or poon na nadoon, kahit na yung mga nasa bahay nina Luch. Ang laki laki kasi. Natatakot ako na baka kindatan ako or bigla na lang gumalaw. Hahaha.

Overall, the experience has been wonderful. I get to experience another Filipino tradition. Sabi ng mga relatives sa akin ni Luch, buti na lang daw, hindi ako kasali sa ibang religion na naninira talaga ng mga santo. Hehehe.

Ngayon, Sabado na. Nandito lang kami sa terrace sa house nina Luch. Natutulog sya. Ako naman, kinukuhanan ko sya ng pictures kapag hindi nya alam. Kain din ako ng kain dito. Feeling ko, pagbalik ko sa amin, mami-miss ko ang mga pagkain dito.

Grabe. Nakakapagod ang buong linggong ito. Kung saan saan kami pumunta at kung ano ano ang mga ginawa namin.Pagbalik namin ng Makati ni Luch bukas, siguro pagdating namin ng condo, deretso na sa kama at....matutulog na lang agad. Hahaha.

__________________________________________________________________

Bebeboy, congrats sa project mo! Natupad ang pinag-ipunan, pinag-planuhan at pinagsakripisyohan mo. I love you very much kahit na kinukulit pa din kita kahit na alam kong busy ka. Hehehe. Kung dito sa inyo ay patago tayo magharutan, humanda ka pagbalik natin sa condo. Again, congrats. Mahal kita. I know mas marami ka pang pasabog sa next year. As always, nandito lang ako. Tutulong ulit. Basta wag mo lang ako i-convert sa religion mo. Hahaha.

________________________________________________________________

Honga pala. Sa sobrang busy naming dalawa ni Luch, nakalimutan namin na 6th monthsary na pala namin. Hehehehe. Oh well....HAPPY 6TH MONTHSARY! I love you! :P

Thursday, April 7, 2011

Another "kärlek" post...




This is Luch's song for me. I think he asked me to look for this song on our 3rd monthsary. Sabi nya sa akin, song nya sa akin ito. He also sang this to me kapag matutulog na kami. Syempre, kinilig naman ako kaya minadali ko agad ang pagse-search ko.

He was 9 (almost 10) years older than I am so yung mga songs na alam nya ay hindi ko alam. Lately ko lang din na-aappreciate ang song nung early 90s dahil sa kanya.

Anyways, I really love this song. The melody, the lyrics, how it tells you that it's so nice to fall in love and stay in love...Eto na yata ang ultimate love song namin. Wish ko nga ayan ang song sa kasal namin eh.... (kung meron mang gay marriage dito sa Pinas)

Nabwisit ako nung kinanta ito ni Regine Velasquez para sa isang commercial. Gusto ko syang gilitan nang leeg nung mga panahong iyon. She butchered "our" song, lalo na sa part na bumibirit ang lola mo. Sigh.

Tapos may lumabas na isa pang commercial. Para naman sa Nestle. Ok lang. Nakuha nya ang sense nang kung ano ba talaga ng gusto ipahiwatig ng song.

Love. Love. Love.

Si Ate sa Bus

Lately, I have no drive to blog at all... It's obvious diba?

Pero let me tell you this funny story...

I was sitting sa bus, on my way home when this lady, in her mid-40's I think sat beside me since walang gustong tumabi sa akin..hindi naman ako masungit..maamo nga ang mukha ko eh..

oh well...going back...

So umupo na si Ate sa tabi ko.

I was just listening sa iPod ko when she asked me something.

"Malayo pa ba ang SM dito?" tanong ni Ate.

"Siguro around 30 minutes pa po."

"Sabi ng konduktor mga 15 minutes lang eh."

"Ahhh..." sabi ko.

"Parehas pala tayo ng cellphone! Hahaha!" sabay hagalpak ng tawa si Ate.

"Hehe." reply ko. Ewan ko ba pero parang hindi yata ma-gets ni Ate na wala akong mood makipag-usap sa hindi ko kakilala. Bilin sa akin ng aking magulang ay 

don't talk to strangers...(when your mouth is full?)

Anyways, parang puro kalyo na nga yata si Ate kaya hindi nya ma-sense na hindi ako nakikipag-usap sa hindi ko kakilala.

I was about to pretend na maglalaro ng game sa phone ko when she asked me something that intrigued me...

"Kung ikaw, alam mong niloloko ka na lang ng boyfriend mo, pero mahal mo sya syempre, mag-stay ka pa rin ba?"

Nawindang ako sa tanong sa akin ng Ate. Parang may mabigat na dinadala....Medyo nangingiyak-ngiyak pa sya nang tinanong nya sa akin yun.

Ang sabi ko na lang "Ate, kung alam mo naman palang niloloko ka na eh...then wala ka nang rason para mag-stay dun!" Feeling ko, ako si Dr. Love. (Dr. Love! Gimme Dr. Love! You're the one that I've been dreamin Of-VVVV-AH!)

"Pero mahal mo na sya eh..."

"Sabi mo diba niloloko ka na diba?"

"Oo nga pero..."

Then I cut her off. "Ano ba nangyari?" Naging chismoso mode na ako.

_______________________________________________________________________

Feeling ko likas na sa mga Pinoy ang makipag-usap sa mga taong nakatabi lang sa bus, jeep or train. I dunno. Baka lang naman.
_______________________________________________________________________

Napag-alaman ko na parang pineperahan lang pala sya ng kanyang boyfriend. At nalaman nya din na may kinakasama nang iba ang kanyang boyfriend. Syempre, nagalit naman daw si Ate pero hindi nya magawang iwanan si Kuya. Bukod sa may utang pa itong 30 thousand sa kanya, at sya pa ang nagregalo ng cellphone dun, ay mahal nya pa din daw si boyfriend. Hindi ko mapigilang mag-roll ang eyes ko sa kanya.

Gusto ko syang batukan. Ang iniisip ko, parang wala ka nang value para sa sarili mo kasi ipinipilit mo na lang ang sarili mo sa kanya. At sa lahat ng mga tao, BAKIT AKO PA ang napagtanungan ng aleng ito eh pagdating sa "love and relationships" ay hindi ako magaling na tagapagpayo. (Paging Papa Jack.)

"Saan ka ba bababa?" tanong ni Ate.

"Sa mall din po."

"Ah. Pwede sabay na tayo?"

"Err. Sige po."

At that point, kinabahan na ako. Baka habang nagma-"Maalaala Mo Kaya" si Ate ay binubuksan na ang bag ko at kinuna na pala ang wallet ko! Pagkatingin ko, okay naman. Hindi pa bukas ang bag ko. Whew!

"Alam mo, ang layo pa ni biniyahe ko."

"Eh bakit pa kayo pumunta dito sa Cavite?"

"Gusto ko lang sya i-surprise! Kung magiging friends kami, edi friends with benefits na lang!"

Nagulat ako sa sinabi nya. Gusto ko sya bigwasan. Joke lang.

"Dapat pa ba ako pumunta dun sa bahay nya? Gusto ko lang na naman makipag-ayos eh."

"Sabi mo sa malayo ka pa nanggaling diba? Eh di puntahan mo na! (echosera..)"

"Ano ang gagawin ko?"

"Try mo magpaganda?" sabi ng imagination ko.

"Be friends na lang ung ayaw mo sya mawala." sagot ko.

"Hiwalayan ko na ba?"

"Yes."

"Kahit na.."

"OO NGA! ANG KULIT MO AH! KANINA KA PA EH! MAKULIT? PAULIT-ULIT? HINDI MAKAINTINDI?" sabi ng imagination ko...

"Kasi parang niloloko ma na lang din ang sarili mo kung mag-stay ka pa eh."

Pababa na kami ng bus. Sabi nya sa akin ay salamat daw sa aking payo. Inisip ko, salamat at wala na ang Ate na nakakaloko ang talambuhay.

_______________________________________________________________________

Inisip ko, iba talaga ang tao pagdating sa pag-ibig.