Saturday, April 23, 2011

Dymmelvecka...

I'm somewhere in Bulacan right now. I'm spending the Holy Week with Luch sa kanilang house. Nasa tabi ko nga lang si Luch eh. Natutulog sa kanyang tomba-tomba(?). I like going here sa bahay nila, not because feeling close na ako sa kanyang mga relatives kundi dahil sa ambiance and the cool atmosphere dito. Probinsya nga eh. Parang ang bagal ng buhay. Nakaka-relax. Ang sarap ng simoy ng hangin. Presko. Kapag nasa amin ka naman eh paglabas mo ng bahay, masasagap mo agad ang alikabok. At tsaka, isa pa, I feel safe here na din.

I mentioned here sa blog ko na ito na hindi ako isang Catholic kaya sobrang hindi ko alam ang mga tradisyon ng mga Katolikong Pilipino. Natuwa lang din naman ako sa mga ginagawa nila. Ngayon ko lang naranasan sumama sa isang Prusisyon, na pinaparada ang mga Santo na nakasakay sa mga karosa. Ngayon ko lang din naranasan na tumulong sa pag-aayos ng mga kailangan sa Holy Week, lalo na ang paghahanda ng karosa. Ganun pala dito sa mga probinsya sa Pilipinas. Ramdam mo pa din ang bayanihan. Lalo na ang mga magkakaibigan, magkakamag-anak at makakapit-bahay. May pabasa din pala na ngayon ko lang din nalaman kung ano yun. Akala ko dati, charity work yun na natuturo ka sa mga bata kung paano magbasa.

Isang magpopoon din kasi si Luch at isinali nya ang kanyang mga poon sa prusisyon. Para sa isang non-Catholic, I felt like a fish out of water. Hindi ko nga kilala ang mga pinaparada nila eh. At talagang ginagastusan talaga pala ang mga okasyon na ganito. Santo-overload nga nung Wednesday and Friday eh. Ang daming naglalakihang poon ang mga nakasakay sa mga karosa. Madami ang may sound effects. Yung iba, may sariling musical band. Magagarbo ang mga bulaklak. Madami ding mga tao. Di mahulugang karayom kumbaga. Pero na-amaze ako sa mga taong napenitensya. Yung tipong nagdudugo na talaga ang likod ay tuloy pa din. Medyo naging jelly yung legs ko. Siguro, ang hindi ko pa din kaya ay yung tumungin sa mata ng mga santo or poon na nadoon, kahit na yung mga nasa bahay nina Luch. Ang laki laki kasi. Natatakot ako na baka kindatan ako or bigla na lang gumalaw. Hahaha.

Overall, the experience has been wonderful. I get to experience another Filipino tradition. Sabi ng mga relatives sa akin ni Luch, buti na lang daw, hindi ako kasali sa ibang religion na naninira talaga ng mga santo. Hehehe.

Ngayon, Sabado na. Nandito lang kami sa terrace sa house nina Luch. Natutulog sya. Ako naman, kinukuhanan ko sya ng pictures kapag hindi nya alam. Kain din ako ng kain dito. Feeling ko, pagbalik ko sa amin, mami-miss ko ang mga pagkain dito.

Grabe. Nakakapagod ang buong linggong ito. Kung saan saan kami pumunta at kung ano ano ang mga ginawa namin.Pagbalik namin ng Makati ni Luch bukas, siguro pagdating namin ng condo, deretso na sa kama at....matutulog na lang agad. Hahaha.

__________________________________________________________________

Bebeboy, congrats sa project mo! Natupad ang pinag-ipunan, pinag-planuhan at pinagsakripisyohan mo. I love you very much kahit na kinukulit pa din kita kahit na alam kong busy ka. Hehehe. Kung dito sa inyo ay patago tayo magharutan, humanda ka pagbalik natin sa condo. Again, congrats. Mahal kita. I know mas marami ka pang pasabog sa next year. As always, nandito lang ako. Tutulong ulit. Basta wag mo lang ako i-convert sa religion mo. Hahaha.

________________________________________________________________

Honga pala. Sa sobrang busy naming dalawa ni Luch, nakalimutan namin na 6th monthsary na pala namin. Hehehehe. Oh well....HAPPY 6TH MONTHSARY! I love you! :P

1 comment:

engel said...

happy 6th lunaversary. :)