Thursday, April 7, 2011

Si Ate sa Bus

Lately, I have no drive to blog at all... It's obvious diba?

Pero let me tell you this funny story...

I was sitting sa bus, on my way home when this lady, in her mid-40's I think sat beside me since walang gustong tumabi sa akin..hindi naman ako masungit..maamo nga ang mukha ko eh..

oh well...going back...

So umupo na si Ate sa tabi ko.

I was just listening sa iPod ko when she asked me something.

"Malayo pa ba ang SM dito?" tanong ni Ate.

"Siguro around 30 minutes pa po."

"Sabi ng konduktor mga 15 minutes lang eh."

"Ahhh..." sabi ko.

"Parehas pala tayo ng cellphone! Hahaha!" sabay hagalpak ng tawa si Ate.

"Hehe." reply ko. Ewan ko ba pero parang hindi yata ma-gets ni Ate na wala akong mood makipag-usap sa hindi ko kakilala. Bilin sa akin ng aking magulang ay 

don't talk to strangers...(when your mouth is full?)

Anyways, parang puro kalyo na nga yata si Ate kaya hindi nya ma-sense na hindi ako nakikipag-usap sa hindi ko kakilala.

I was about to pretend na maglalaro ng game sa phone ko when she asked me something that intrigued me...

"Kung ikaw, alam mong niloloko ka na lang ng boyfriend mo, pero mahal mo sya syempre, mag-stay ka pa rin ba?"

Nawindang ako sa tanong sa akin ng Ate. Parang may mabigat na dinadala....Medyo nangingiyak-ngiyak pa sya nang tinanong nya sa akin yun.

Ang sabi ko na lang "Ate, kung alam mo naman palang niloloko ka na eh...then wala ka nang rason para mag-stay dun!" Feeling ko, ako si Dr. Love. (Dr. Love! Gimme Dr. Love! You're the one that I've been dreamin Of-VVVV-AH!)

"Pero mahal mo na sya eh..."

"Sabi mo diba niloloko ka na diba?"

"Oo nga pero..."

Then I cut her off. "Ano ba nangyari?" Naging chismoso mode na ako.

_______________________________________________________________________

Feeling ko likas na sa mga Pinoy ang makipag-usap sa mga taong nakatabi lang sa bus, jeep or train. I dunno. Baka lang naman.
_______________________________________________________________________

Napag-alaman ko na parang pineperahan lang pala sya ng kanyang boyfriend. At nalaman nya din na may kinakasama nang iba ang kanyang boyfriend. Syempre, nagalit naman daw si Ate pero hindi nya magawang iwanan si Kuya. Bukod sa may utang pa itong 30 thousand sa kanya, at sya pa ang nagregalo ng cellphone dun, ay mahal nya pa din daw si boyfriend. Hindi ko mapigilang mag-roll ang eyes ko sa kanya.

Gusto ko syang batukan. Ang iniisip ko, parang wala ka nang value para sa sarili mo kasi ipinipilit mo na lang ang sarili mo sa kanya. At sa lahat ng mga tao, BAKIT AKO PA ang napagtanungan ng aleng ito eh pagdating sa "love and relationships" ay hindi ako magaling na tagapagpayo. (Paging Papa Jack.)

"Saan ka ba bababa?" tanong ni Ate.

"Sa mall din po."

"Ah. Pwede sabay na tayo?"

"Err. Sige po."

At that point, kinabahan na ako. Baka habang nagma-"Maalaala Mo Kaya" si Ate ay binubuksan na ang bag ko at kinuna na pala ang wallet ko! Pagkatingin ko, okay naman. Hindi pa bukas ang bag ko. Whew!

"Alam mo, ang layo pa ni biniyahe ko."

"Eh bakit pa kayo pumunta dito sa Cavite?"

"Gusto ko lang sya i-surprise! Kung magiging friends kami, edi friends with benefits na lang!"

Nagulat ako sa sinabi nya. Gusto ko sya bigwasan. Joke lang.

"Dapat pa ba ako pumunta dun sa bahay nya? Gusto ko lang na naman makipag-ayos eh."

"Sabi mo sa malayo ka pa nanggaling diba? Eh di puntahan mo na! (echosera..)"

"Ano ang gagawin ko?"

"Try mo magpaganda?" sabi ng imagination ko.

"Be friends na lang ung ayaw mo sya mawala." sagot ko.

"Hiwalayan ko na ba?"

"Yes."

"Kahit na.."

"OO NGA! ANG KULIT MO AH! KANINA KA PA EH! MAKULIT? PAULIT-ULIT? HINDI MAKAINTINDI?" sabi ng imagination ko...

"Kasi parang niloloko ma na lang din ang sarili mo kung mag-stay ka pa eh."

Pababa na kami ng bus. Sabi nya sa akin ay salamat daw sa aking payo. Inisip ko, salamat at wala na ang Ate na nakakaloko ang talambuhay.

_______________________________________________________________________

Inisip ko, iba talaga ang tao pagdating sa pag-ibig.

No comments: