Friday, September 9, 2011

HET

Gym. Oo. Nung August pa. Nagwo-work-out na kasi ako. Kelangan ko na maging hot. Para sa aking nalalapit na kaarawan sa susunod na buwan. Siguro, kung matutupad nga, eto na yata ang pinakamagandang regalo ko sa sarili ko. Meron na naman kasi akong gwapong mukha, with cheekbones and jawline to match (ang saya magbuhat ng sariling bangko!), kulang na lang ay ang isang "hot-bangin-bod" para naman maglaway na ng tuluyan sa akin si Luch. Hehehe.

______________________________________________________________________

Para sa inyong kaalaman, ako ay lumaking mataba. Nung preschool and elementary, sikat ako sa school kasi bukod sa lagi akong may dalang pasalubong na Big Breakfast (c/o Mcdo) for my teachers at donation na electric fan (c/o Mama), ako ay cute at mabilog. Mukha akong siopao. Kulang na lang may dot na red or yellow sa noo ko, complete na.

Naging "medyo" fit ako nung grade 6 up to 1st year highschool ko kasi I took karate lessons pero after that, I quit na din. Hindi keri ng schedule ko. Joke lang. Hindi ko lang kasi gusto yung karate.

So after that, nagsimula na akong lumaki. Horizontally and vertically. Ang saklap lang. Ang taba ko. At my biggest, I had a waistline of 40 inches and that was during my Junior Prom. Ewwwnesss.

But then something happened. A miracle. At hindi Coat Saver (corny). The weight was coming off without me doing anything. My appetite was still the same. Pang-contruction worker/pedicab driver/kargador sa pier ang sikmura ko. And this continued up to college. Naiinggit ang mga friends ko nga sa akin eh. Hehehe.

_____________________________________________________________________

This time, I think I was too thin na. I need to gain, not fat, but muscles. Yes. At dahil dyan, I go to the gym regularly na. Five times a week. Haggard mode lang. Pero so far, I can feel and see the results. I can feel that my arms and chest are more firm. My "baby fats" are melting away. My legs feel more toned. My butt looks lifted! BUT I still have tons of work to do. First month ko pa lang naman eh.

_____________________________________________________________________

ANG MGA CRUSH KO AY NAKITA KO NA NG MALAPITAN TALAGA! POTEK NAMAN! ULAM! Next time magbabaon ako ng kanin para kapag may lalabas ng locker room, sabay subo ako ng rice! Yummmeeehhhh!

_____________________________________________________________________

Ito ang list ng mga crush ko sa gym (a.k.a. My Inspirations)

Hideo Muraoka


Kim Gantioqui


Ivan Dorschner



Akihiro Sato


Benjamin Tang

At syempre ang ultimate crush ko sa lahat, ang aking Bebeboy, na sobrang hot and sexy (aaaayyyyyiiiieeee!) si Luch! Sayang pero hindi ko pwede ipakita ang picture nya dito so ito na lang. Ang picture ni Luch Zanirato. Hehehe.

*** I got an email from the ULTIMATE CRUSH to remove the picture. His wish is my command. Anything for my Luch. Hihihi. And yes kinikilig pa din ako sa email nya. Hahaha. (Ang loser ko hahaha) ***

_____________________________________________________________________

Alam kong madami pa akong kakaining bigas at iinuming protein shakes pero ka-career-in ko na ito. I have never been called the "hot guy" before. Konting tiis lang naman eh. And I've never felt so alive. Iba talaga kapag nag-e-exercise, lalo na kung ganyan ang makikita mo sa gym. Hahaha.

Cheers to a healthier life!

Humanda kayo!

Sa mga nang-api sa akin! Maghihiganti na ako!

Hindi na ako ang nakilala nyong Buttman!

Hindi na ako isang lollipop!

On my 22nd birthday, this coming October....

I

WILL

BE

HOT!





TSSSSSSSSSS...

2 comments:

engel said...

you're already hot. ika nga ng isa kong friend. :D

happy birthday in advance!!!

Gaspard said...

weh...di nga? Sino ba yang friend mo na yan? ife-friend ko din. HAHAHA

Thanks engel! :P

Say hi to the Kid for me :)

_gaspard_