Sunday, October 2, 2011

PAK!

The model in that blog has another TVC coming up! This time, I'm with the ladies. Tama. Kasama ko sina Erich, Angelica at Gretchen sa commercial. Ang bongga diba? Achieve na achieve!

5:30am
Nang mga oras na ito, naghihilik pa ako sa aking kama. Ang galing diba? Parang hindi ako excited sa shoot na ito. Pero sa totoo lang, hindi naman talaga ako excited sa shoot eh. Ewan ko ba. Dahil yata sa antok. Ang sarap kasi matulog kasi malamig.

5:45am
Snooze muna yung alarm clock. 5 minutes, bangon na ako sa bed.

6:15am
Bumangon na ako sa kama at inunang ayusin ang mga shoes and damit ko na dadalin for our shoot.

___________________________________________________________

Buti na lang at sa Standard Chartered Building lang kami nag-shoot. Along Ayala Ave. lang. Madali puntahan. Kasi naman weekend iyon. At kapag weekend, ako ay nasa Cavite.

By the way, ang call time namin ay 6:30am. Hehehe.
___________________________________________________________

6:30am
Naliligo pa ako. Ang lamig. Sarap matulog ulit.

7:00am
Nakabihis na ako. Last minute touch up bago umalis ng bahay. Unfortunately, it was a Sunday kaya hindi ako mahahatid ng Dad ko papunta sa shoot. Ang laki ng bag na dala ko.

7:30am
Nasa highway pa din ako papuntang Makati. Okay lang. Mabilis naman ang travel eh.

8:30am
Nakarating ako ng matiwasay sa shoot. Dami pogi. Hehehe.

8:31am
Breakfast! (Masarap ang food sa mga shoots. Promise.) Nakipagkilala din ako sa ibang mga talents and ibang managers and agencies doon. Para naman ma-book ulit ako sa ibang job naman. Dami din pogi. Hehehe. Pero syempre, behave ako dun. Discreet dapat. LOL.

9:30am
Dumating na si Ate para sa aking make-up and clothes. Make-up artist din sya sa "Nasaan si Elissa?" so tinanong ko naman sya kung nasaan ba talaga si Elissa. Ayaw nya sabihin. Para daw may thrill. Sabi ko kay ate, tuwad sya para mas may thrill. Natigilan syan. Hehehe. (Syempre joke lang yun. Hindi ko naman tinanong kung nasaan si Elissa eh. Pero willing syang tumuwad.)

10:55am
Dumating si Gretchen Barretto. Hong gondo gondo nomon nong boboong yon! She's very poised and elegant. Mukhang Barbie. Complete with a nose job. May pagka-bratty and air of slight arrogance. I dunno. Siguro masakit lang ang paa nya sa kanyang 6-inch Louboutins. (Yaya! Water! Kuya! Payong! Wait! Wag muna mag-shoot! Hinangin hair ko!)

1:00pm
Natapos ang scene ni Greta. Lunch muna. At ako ay wala pa ding ginagawa. The good thing with commercials is that you get paid to wait, paid to eat delicious food and do very minimal tasks. May make-up ka pang kasama!

3:00pm
Mirienda naman daw. Kain na naman ako. Hehe.

3:30pm
May nagdala ng Mustang sa set. Prop daw para sa isang scene. Nice. Ganda lang. I was appreciating how beautiful the car was nang may na-feel ako.

Apir apir apir...

Could it be?

Hindi na uso yan...

For real?!?!

Wisik wisik na lang...

Parating na sya!

Masdan mo ang beauty ko!

Sya na nga!

Tataas ang kilay mo!

Tumaas nga ang kilay ko. Umabot sa batok ko.

Si Stephanie Achiever. Si Angelica Panganiban. Nakakatunaw ang ka-cute-an nya. She looks very charming and angelic. Yummy din! Parang si Miss Chuni lang. Choz.

4:48pm
Nag-start kami mag-shoot along with Angelica. Ang ganda nya talaga. Sigh. Hindi ako maka-get-over. Ganda ng balat. Sarap lang. Hindi ko nga lang maiwasang hindi mapangiti kasi sa tuwing nakikita ko sya, lagi ko syang nai-imagine na nag-a-apir-apir-wisik-wisik song. Hehe.

Hulaan nyo kung ano ang suot ko at kung ano ang ginawa ko dun ha! (Hint: Hindi ako naka-heels.)

6:45pm
Dinner na! Kapagod ang shoot. Paulit-ulit. Alam ko na naman kung ano ang ginagawa sa mga shoot eh pero nakakapagod pa din talaga.

7:00pm
Tulog!

7:36pm
Dumating si Erich! Mas masaya sana ako kung kasama nya si Enchong pero wala eh. Pero ang ganda pala ni Erich sa personal. Blonde na sya sa shoot eh. The color really fits her well. It goes well with her skin color.

Onwards....
Wala na akong ginawa. Ang tagal ng hinintay ko.

Tumigil ang pagre-reklamo ko nung dumating si Angel Aquino! Isa sya sa ultimate crush ko ever since I thought I was still straight. Ang ganda talaga ng babaeng iyon.

Pero mas natahimik ako nang dumating si Derek Ramsey sa set! HHWW with Angelica. Gwapo. Ulam. Nagutom ako. Kumuha ako ng extra rice. Isang balde. Para sa mga nagtatanong dyan, yes. Totoo. Matambok nga. Hihihi.

Guess what? Natapos ang shoot ng 3:00am. I felt so dirty nga eh. Gusto ko maghilamos pero dahil sa sobrang pagod, the moment na makita ko ang kama ko, bumagsak na lang ako at pagkagising ko, umaga na. By 9am kasi, may pasok na ako.

I slept for almost 2 hours lang. Hindi kinaya ng mata ko ang puyat. Ang sakit ng mata ko. Ang liwanag pa ng araw.

____________________________________________________

P.S.
Malapit na ang anniversary namin ni Luch. Malapit na din ang birthday ko. Actually same day yun eh. Regalo ko ha! I'll be expecting! :P

2 comments:

Ms. Chuniverse said...

Hahaha!v Ka-aliw.

Lamang si Angelica sa akin ng isang mumog.

Other than that, wala na.

Etchos!


:)

gillboard said...

hahanapin kita sa commercial na yan. kung ano man yan. hehehe

congrats and advanced happy birthday!!!