Sunday, November 6, 2011

Avstånd och Tid

Luch told me that there is a great possibility that he will be sent to India and will stay there for 6 months for work. Of course I didn't know how to react to that news so I just answered with the most generic of answers. I said "Okay lang."

When Luch told Joe about that, he cried about it since this will be the first time, in years that they were a couple, that they will be physically separated for a span of time. Kasi up to now, never pa sila naghiwalay nag ganoong katagal at ganoong kalayo.

I immediately thought na, of course, Joe can just follow Luch there. He has all the resources since he's a doctor. He can just drop by there anytime he wanted to.

Going back to my situation…

Ayun nga. Hindi ko alam kung ano nga dapat kong maramdaman. Hindi naman ako mayaman para makapunta ng India at samahan sya doon. Masaya ako para sa kanya na baka dumating ang opportunity na iyon kay Luch pero at the same time, hindi ko din maiwasan na malungkot sa idea na he might be away for six months.

Matagal iyon para sa akin. I can't even imagine living a whole week without him. I am attached to Luch in so many ways.

Ayoko malungkot. Sinasabi ng isip ko na maganda ito para kay Luch pero sinasabi ng puso ko na ayaw ko syang umalis. Nahihirapan ako.

At naiiyak na ako ngayon.

Either this November or December, malalaman na namin kung siya nga ang ipapadala sa India. Makakabili na daw siya ng magandang kotse, isa sa kanyang mga long term goal.

Ayokong malungkot. Kailangan nga masaya ako sa balitang iyon. Siguro, ang magagawa ko na lang ay maging isang mas mabuting kasintahan kay Luch. And will just wait for him to come home. Anticipating the time he'll be back.

Ayoko magsulat ng mga ganito. Mahirap eh.

At some point in our lives, we have to choose things that will be better for us in the long run. There will come a point that we'll have to make sacrifices because there will always be something in return that will be better if not best.

Sa pagkakataong ito, ang alam kong mas kailangan namin ay oras at panahon sa isa't-isa. Love will always be there and never forgotten, never lost. But time is one of the intangible things that can never be brought back. Time spent with loved ones.

Come what may Luch pero alam kong alam mo na nandito lang ako. Hihintayin ka kung sakaling aalis ka. At kung ako nga ay maghihitay, bibilangin ko ang mga araw hanggang ikaw ay bumalik. Lalo akong magpapa-pogi at magpapaganda ng katawan. Hehehe. Mag-aaral akong mabuti. Hahanap ako ng trabaho na maipagmamalaki ko. Hindi ako gagawa ng kalokohan. Wala akong gagawin na makakasakit sa ating dalawa. Mahal kita. Mas minamahal kita sa bawat araw na dumadaan.



Nalulungkot lang ako sa sinusulat ko. Ayoko na nga. Dito na muna.

No comments: