Sunday, November 6, 2011

Halloween :)

Just this past Halloween, I was able to attend a party with my closest college friends. There were also some people na I wasn't able to get along with. Anyways, that party went pretty boring for someone like me who doesn't really drink nor smoke. Oh well. Mura lang naman ang ticket. Pero I still want to get a refund.

Since it was a Halloween party, it was required that we should come wearing a costume. Since manggagaling ako ng Cavite nun, hindi ko na binalak dumating ng naka-costume. Hassle kaya kung sasakay ako ng MRT. Hindi kasya ang Victoria's Secret wings ko.

So ayun nga.

I was able to chat with my close friend / coursemate / orgmate / collegemate / schoolmate / classmate. She told me that she was very thankful na her ex broke up with her or else she wouldn't realize na there are other men out there who's better than her ex. She couldn't even mention her ex's name so we just called him ex. So there, we were able to talk about a lot of things. I asked her kung malaki ba. Sabi nya mas malaki yung kay current boyfriend. Mas malaki ang pagmamahal nya. (Kung titi ang naisip mo, hindi ka nag-iisa. Hahaha.)

At nasabi nya pa sa akin na dati daw, nang sila pa ni Ex, kapag tinatanong nya daw si Ex kung bakit nya daw mahal ang friend ko, eh kasi dahil daw mabait ang friend ko, maganda, maalaga etc. Sabi naman ni friend ko, dapat daw hindi ganun ang sagot. Hindi mo daw dapat alam kung bakit mo mahal ang isang tao. Ika nga ni Shakespeare sa Sonnet 116 (level up na!), love can never be measured.

Napaisip tuloy ako.

Bakit ko mahal si Luch?

Actually hindi ko alam ang sagot. Natural yata na hindi magkasundo ang utak at puso ko sa usaping "love". Basta ang alam ko na lang, mahal ko na siya. Kaya nga "falling in love" ang tawag eh. Kusa ka na lang mahuhulog nang hindi mo alam. Kung alam natin kung kelan at paano tayo mahuhulog, edi dapat wala nang taong mahuhulog sa kanal, tulad ng maganda kong kapatid. (Maganda nga, tanga naman. Sigh.)

Mahal ko siya kasi…

Kasi he makes me laugh? Hindi naman siya clown. At hindi din siya kalbo para magpatawa.

Kasi he's goodlooking and hot? Madami din naman dyan. May iba nga na mas gwapo pa sa kanya na nagpaparamdam sa akin dati.

Kasi matalino sya? Siguro pero hindi lang naman iyon eh.

Kasi maalaga at maaalalahanin siya? Hindi naman ako naghahanap ng caregiver or yaya.

Kasi mahal ko siya? Oo. Sapul. Sakto. Tumpak. Korak. PAK!

Mahal ko si Luch kasi mahal ko siya. Hindi ko na kailangan na iba pang rason.


Sa Halloween party na iyon, may ni-recruit na manghuhula ang mga organizers. Diba ang bongga? Instant Quiapo ang bar na pinuntahan namin. So ayun nga, nagpahula ako. Ako yung tipo ng tao na hindi nagpapahula kasi hindi naman ako naniniwala sa mga ganun. Siguro dahil iyon ang mahigpit na turo sa aming simbahan.

So ayun nga. Nagpahula ako sa babae. Skeptical pa din ako kung manghuhula ba talaga iyon. Kasi naman. Naka pink na bra lang si ate at mahabang skirt. Complete with fairy wings pa. At kakatapos lang ni Tinkerbell (na mas malaki pa ang Adam's apple sa akin) magpahula.

So ayun. Nagulat lang ako. Ang manghuhula pala ay friend ko lang din from college / orgmate / ex-gf. Oo. Ex-girlfriend. Straight pa ako nang mga panahong iyon. Pero it didn't work out between us. Hindi kasi sya magaling na top eh. HAHAHAHAHA! (Biruan lang namin yun sa isa't-isa na mag-ex kami. Close lang talaga kasi kami with each other. She's one of my closest friends talaga.)

She told me that she was able to learn the art of palm reading from an expert. Feeling ko naman niloloko lang ako nun pero nagpahula na din ako.

Life - Mahaba naman daw ang magiging buhay ko. Though there will be two instances in my life na will be very difficult for me to handle. She told me that I grew up with a hard life and it will most likely end kapag nasa late 20s na ako. Maganda naman daw ang magiging buhay ko in the near future.

Career - Up to this moment, hindi pa din daw ako sure sa magiging career ko. Kasi magulo daw ako mag-isip. Magaling daw ako sa iba't-ibang bagay pero sa isa lang daw ako magiging truly happy. I will be very successful with my chosen career and I will have fun daw at the same time. Learn how to prioritize and value time.

Money - I will have lots of money pero I don't have the ability to save daw. Mag-ingat lalo na sa pera.

Religion - I was raised in a conservative Christian family though I don't have strong spiritual foundations kasi at this moment, I'm enjoying the things that I like doing than the things God wanted me to do. Natamaan ako dun. Sobra.

Love - Magiging masaya daw ang buhay pag-ibig ko. In this life daw, I will only have 4 relationships. 2 of them will be short and will not really mean anything to me but the other 2 will be very significant for me, will change me as a person and will also last for a number of years. She also asked me if one of us is cheating daw. Hhhhmmm. Naisip ko si Joe bigla.

Number of Children - Hinawakan nya ang aking lalamunan. Kung ilang buwan na daw. Chos. Malabo naman daw na magka-anak ako kasi nasa CR/toilet ang magiging anak daw namin ni Luch. Huwag daw ako mag-ilusyon. Hahaha.

Natapos ang Halloween party at nakauwi ako ng 5am na. Napailing na lang si Luch sa akin. Masyado na daw late yun. In fact, umaga na nang umuwi ako. Tsk tsk.

Naikwento ko sa kanya ang nanghula sa akin. Pati na yung love part.

"Alam mo Gaspard, Bebeboink, ako na ang pang-apat. Hindi mo alam na naka-3 ka na dati at ako na ang huli. Wag ka na mag-expect na may darating pa."

Kung tatanungin ko sya kung bakit nya ako mahal, siguro alam ko na ang sagot. Kasi mahal nya ako. Higit pa sa inaakala ko. Higit pa sa alam ko. Mahal na mahal nya ako.

Nagtapos ang Halloween week na may ngiti na naman sa aking mga labi at ang mga dapat na magiging anak namin ay nai-flush na naman sa toilet.



Hope everyone had a great Halloween!

No comments: