Wednesday, November 16, 2011

Min Helg

I guess this is one of the weekends that I was really able to enjoy. Bibihira na lang din naman kasi ako tumambay lang or lumabas para gumala at mag-party.

Luch and I had appointments sa DFA for our passports so we really had to wake up early. Good thing we came on time. After that, balik na kami agad ng condo para matulog ulit. Basically, we just lazed around the whole afternoon and evening. Bumangon lang kami ng kama para mag-prepare sa pupuntahan namin.

To tell you the truth, I'm not the kind of person you'll see going to a party. I feel awkward when I go to parties. The ony part that I enjoy most likely is the preparation. Yung tipong maghahanap ka ng pamporma para mapansin ka. Hehehe. Oh well. Kasi naman, I don't drink and I don't smoke. Yes. I go to parties pero I NEVER drink and I NEVER smoke. Nasanay na ang mga friends ko sa akin kaya hindi na nila ako pinipilit. It's part of our religion kasi eh.

So ayun nga. This past weekend, Luch and I got invites from Hennessy Artistry. Ang sosyal lang ng event. Syempre, casual chic daw ang kailangan na damit. Since I always strive to look good sa kahit na anong klaseng event (kahit pa bibili lang ng fishball sa kanto), hinalungkat ko ang aking baul para makahanap ng pamporma. Success naman kasi I was well put naman sa event and I looked like a freakin asian James Dean! Yeah. Coz that's how I roll. Joke lang. Hahaha.

I helped Luch with his clothes din. When we're done altering our gowns (yes, naka-red Valentino gown si Luch at ako naman ay naka-Yves Saint Laurent mini. HAHAHAHA). But seriously, I made him look dashing as ever. Pero I was really touched when he said he's so proud of me, especially now that we're going to an event together. Ang gwapo ko daw kasi. Napangiti ako. Nang nakanganga. Labas ang ngipin. Hehehe.

Iba pa din talaga kapag pinuri ka ng mga mahal mo sa buhay. Mas malaki at mas malakas ang impact.

So we were able to go to the event. At akala ko pa, sinundan kami ni Joe pero buti na lang ibang car pala yun. The evening was full of beautiful people, or feeling beautiful people. Parang ako lang. Hahaha. Nandun din si Cliff na matagal ko na ding crush. I instantly drooled nung nakita ko siya sa stage, hosting. Pinigilan lang ako ni Luch. Dito na din nagsimula na bigyan kami ng mga drinks.

When we went inside Opus, it was a different environment. Bar mode na talaga kami. I've never seen Luch move to any kind of musical beat so it was kinda weird. Yeah, I know. More than a year na kami pero ngayon ko pa lang sya nakitang umiindayog sa musika. Ang weird din daw na makita nya akong gumigiling sa beat ng mga sexy DJs.

Dapat din pala na kahit minsan, hindi kami magkasama ni Luch. Wala na kasi kaming mapag-usapan sa bar eh. Hehe.

Madaming beki sa loob ng bar. Naamoy ko si Tim Yap 500 feet away. Hahahaha. I think naisipan ng mga beki na sa left side ng bar magtipon. I dunno why.

I gave all my drinks (props) to Luch, who drank it for me. Nakakahiya naman na bibigyan ako ng alak tapos hahawakan ko lang buong magdamag so binigay ko na lang kay Luch. I think in total, Luch had 8 glasses of expensive liquor. Hehehe.

Luch was able to see some of his friends. And also his former fling, na-SUPER BEST FRIEND KO SA BUONG MUNDO. At dahil super best friend ko ang lalaking yun, hindi kami nagpansinan. (I'll tell more about him maybe in the next posts to come.)

Para mawala ang tama ni Luch, we decided to eat muna sa Mcdonalds. After a bit of walking and exploring Resort's World, we decided to call it a night. It was a really great evening, though I didn't drink.

May konting pagkakahawig ang gabing ito sa mahiwagang gabi ni Cinderella. Pero di tulad ni Cinderella, hindi nawala ang sapatos ko, kasama kong umuwi ang Prince Charming ko, gwapo pa din ako pagkalampas ng hating gabi at higit sa lahat, hindi ito isang fairy tale. At lahat nang nangyari ay tunay.

Tunay dahil ramdam ko ang init ng mga yakap ni Luch.
Tunay dahil naririnig ko pa din ang tunog ng musika sa aking mga tenga.
Tunay dahil mas malakas pa sa tunog na iyon ang pagsasabi sa akin ni Luch na mahal nya ako.
Tunay dahil may hangover pa din daw si Luch sa dami ng alak na nainom nya.
Tunay dahil masakit pa din ang paa ko.
Tunay dahil walang fairy godmother.
Tunay dahil kasama ko si  Luch.

____________________________________________________________

This Saturday naman, I went out on a date with my little sister. She's actually 12 years old now and we're as close as ever. Dalaga na ang aming baby. Dati ay nabubuhat ko pa sya. Ngayon, ako na ang binubuhat nya. Hahaha!

Ang plan namin, pumunta sa mall na todo ang porma. Wala lang. Yung tipong overdressed ka. Trip lang namin magpa-pansin. Hahaha. Minsan lang naman din kasi kami lalabas ng magkasama.

We just went to the mall, watched a movie together and ate dinner together.

Ang ending, iika-ikang umuwi ang kapatid ko dahil sa taas ng heels na suot nya that day. At ako naman hindi makahinga sa corset na suot ko. LOL.

Akala siguro ng mga tao na mag-boyfriends kami kasi sa sobrang close namin. At tsaka kasi she looks older than her real age dahil sa height nya.

She's one of the reasons why I go back to Cavite on weekends instead of just staying here in Makati :)

I love my little sister and I hope she wouldn't change a bit.

______________________________________________________________________

I really had fun on these days. Iba pa din pala ang pakiramdam when you hang out with people that are very dear to you.

No comments: