Sunday, December 4, 2011

Komma, Flyga Med Mig

Nagpunta ako sa Manila Hotel this December 3 lang kasi one of my friends told me that Qatar Airways is looking for a new batch of cabin crew daw. To tell you the truth, I have imagined myself flying as a flight attendant naman before. Kasi I love traveling naman. I think I'm cosmopolitan. I have background in customer service. I'm multilingual. I'm goodlooking. I'm a fast learner and I work very hard. My aunts are flight attendants, my grandfather was a pilot. I think nasa dugo ko na din ang pagpasok sa ganung industry.

Well, a week before the CV submission, nag-prepare na agad ako! I think it's all about how you present yourself sa CV submission day. Kasi nga ipapasa mo lang naman ang resume mo, then a couple of minutes na chitchat sa recruitment team ng Qatar Airways. Afterwards, you can go home na then wait for their call kung pasok ka sa 2nd round ng screening.

I searched a lot of things on the internet para prepared ako and I'll know what to expect kapag nandun na ako sa venue. I even read the advices and tips of seasoned flight attendants eh. I also read a bit of a background ng history ng Qatar Airways, their fleet and about the aviation industry in general. Baka biglang magtanong ng ganun eh. Haha.

Number 1 - Visual impact

Sa gusto man o sa ayaw natin, kelangan na maitsura ang isang flight attendant. So since sinabi sa akin ni Luch na mukha na daw akong gusgusin, nagpagupit ako ng hair. Gusto ko kasing magpahaba ng hair para magaya ko ang hair style ni James Dean. Pero nung humaba na nga ang hair ko, hindi ko naman alam kung papaano ayusin. Hahaha. So ayun, nagpagupit na lang ako. Less hassle pa.

Araw-araw na din ako nagsipilyo. Hindi lang kapag may pasok sa school or kapag may VTR or shoot. HAHAHAHA! Syempre joke lang yan...or is it?

Buti na lang at ginantimpalaan ako ni God ng magandang balat kaya clear ang complexion ko. Hehe. Pero kahit na. Halos maubos ko yata ang mga creams, serums, scrubs and masks dito sa "kikoy kit" ko. Mahirap na. Its better to prevent zits than to pop them.

Tumungga ako ng tubig. Madaming tubig.

I even slept extra early! Kelangan hindi mukhang puyat!

I pulled out my best coats, blazers, dress shirts, ties and shoes para lang sa araw na iyon. I settled on a navy blue blazer, skinny slacks, slim necktie and a well fitting dress shirt. I looked and felt good about how I looked. Hehehe.

Number 2 - Resume / CV

I edited my resume para it would fit this industry. I think I was able to present the good things about me naman. I highlighted my skills, my work experience and what I can do to make them believe that I can be someone they're looking for.

Kung mag-a-apply ka bilang FA, kelangan mo din ng picture. Yung picture na talagang lilitaw ang pagiging model mo. Dapat gwapo or maganda ka. 4R and meron din dapat na passport sized. Sky blue background.

Number 3 - How to Get There on TIME

Strict ang mga airlines when it comes to time, in general. Ayoko naman dumating ng late kasi it will give a bad impression on you. Or worse, hindi ka na nila papasukin sa venue. Madali lang naman pumunta ng Manila Hotel kung galing ka ng Cavite. Sakay ka lang ng bus papuntang Lawton, baba ka ng Kalaw, then pumara ng taxi. Hahaha. Kung mas tamad ka sa akin, or mas mayaman, mag-taxi ka na sa Cavite pa lang.

Number 4 - Smile

I was told by my FA friends na you should always smile, be friendly, look as if approachable ka. But also just be yourself. Handle yourself very well. Look smart. Be smart but not arrogant. Be poised. Hindi naman ako palingkerong Caviteno tulad ni Marian Rivera. Hihihi.

Number 5 - Pray

I prayed a lot. I even fasted. I know that eveything rests in God's will. Kung hindi ko pa oras para lumipad, hindi pa Niya talaga sa akin ibibigay iyon. Nagpa-bless din ako sa Dad ko for guidance.

_________________________________________________________________

So dumating na nga ang December 3. Maaga akong nagising. Nakapag-weights pa ako for 1 hour before ako nag-prepare papunta sa CV submission ng Qatar Airways. After that, ligo, bihis, kuha ng requirements, checked if I have everything, papogi. Then biyahe na ako agad.

Mabilis lang ang biyahe since it was a Saturday. Hindi rush hour. Around 8am, nasa loob na ako ng Manila Hotel. 9am ang start ng submission pero nang pagpasok ko ng pavilion, nagulat ako sa SOBRANG DAMING tao na dumating. Parang may concert. Napalunok ako. Parang dadaan nga ako sa butas ng karayom. 8am pa lang iyon pero parang nasa 400 na kami sa loob. At madami pang nadating sa bawat minutong lumilipas.

I have to say na madaming gwapo at magaganda. Ahihihihi. Pero may mga parang napadaan lang or naisama lang ng kaibigan. Or baka naligaw lang. Take note. Hindi ko sila nilait. I just described them. Hehehe.

So I was walking towards the line para sa sign-up sheet nang biglang may humarang sa akin. Crew yata ng recruitment agency.

"Sir, bawal po kayo pumasok. Hindi po kayo nakasunod sa dress code."

"Huh? What do you mean? I followed everything on your list! Tingnan mo ang suot ko! Is there something wrong? Is it too revealing?" (sabay pirouette)


At lakad pa ako while smiling!

"Sir, hindi po kayo pwede talaga pumasok."

"Bakit naman?" Naba-bad trip na ako!

"Hindi po kayo naka-pusod. Dapat naka-bun ang hair nyo."

"Ganun ba?"







Sa sobrang badtrip ko, napahigpit tuloy ang buhok ko. Ito ang naging final result.


Muntik ko na mapunit ang anit ko.... oh well...




And buti na lang, hindi ako overdressed. All smiles pa ako nyan pagpasok sa door!



After writing my name sa sign up sheet, reach test na. You just have to reach a mark sa wall para malaman if pasok ang height mo sa standards nila. I feel bad for some of the girls there. Kasi they exerted effort to prepare and go there pero dahil sa height nila, na-cut agad sila. (Nakalagay sa website ng Qatar Airways ang minimum height requirement for both males and females. Hindi ko alam kung bakit may mga nagpumilit.)

After that, nagbigay ng konting introduction yung mga taga-recruit. Madali lang. Magpapasa ka lang talaga ng resume. Tapos small talk lang sandali. Then uwi na.

While waiting for my turn, I was able to meet a girl. She thought siguro na I was straight kaya nagpa-cute pa si ate. Mabait naman sya. She offered me some candy pero tumanggi ako. Kaka-mouthwash ko lang din eh. Haha. She told me na it's going to be her 2nd time applying for this job and she told me na meron daw siyang mga kilala na 5th or 6th time na nila mag-a-apply. Medyo madaldal si ate pero bibo naman sya. At halata mong smart. Pero hindi ko lang alam kung pasado ang looks nya sa mga recruiter. 

Medyo inaantok ako kaya I think I dozed off for a couple of minutes. I think hindi naman ako humilik. Comfortable kasi ang chairs eh. Hehe.

When its my turn na, I stood up, gave my resume, told the recruiter why they should hire me then I walked out of the building na. I had my fingers crossed. I hope I impressed them enough to remember me. And hopefully, give me a call.

They told all the applicants that the people who will get a call on Dec. 3 or 4 will go back for the 2nd part of the screening.

So I went back home na. Thinking that I was able to do a good job, not great I think, I went back to my room and prayed. I really wanted this so bad.

Dec. 3 passed.













Wala pa ding tawag...




Kinakabahan na ako...







Dec. 4 passed.







Hindi na sila tumawag.


Hindi naman ako umiyak. Hindi ko pa talaga oras. Hindi pa para sa akin ang trabahong iyon. I felt a bit sad. Pero I didn't feel defeated naman. Okay lang. At least now I know what to do next time.

Pero, I was thinking...ano kaya ang reason kung bakit hindi ako nakuha....

Okay naman ang resume ko...

Bibo naman ako nung nag-uusap kami ng recruiter...

I looked good in my pictures as well as in person...

hhhmmm...





That's when I remembered!



Nakatulog pala ako nung naghihintay ako!






































Siguro ganyan ako kahimbing nun! Tsk tsk!


___________________________________________________

Hindi nga ako nakuha sa Qatar Airways. Hindi man lang ako nakuha para sa 2nd part. Sigh. Gaspard, the model in that blog, didn't pass the initial screening...

Oh well...that's life. May next time pa naman....

___________________________________________________

I applied sa isang call center sa Eastwood a couple of weeks ago. It is for a bilingual account and they required foreign language speakers. I was able to pass all the interviews but I was competing with a foreigner who's a native speaker of the language required.

I didn't set my hopes up. Kalaban ko native speaker eh.

I was surprised that they called me for the job offer. The client really liked me daw (or baka masyado malaki ang asking price ni foreigner kaya ako kinuha nila. Hahaha.) I think I kinda liked the company too. They asked me kung magkano ang ine-expect ko na salary. As far as I know, if you're a bilingual customer service representative, MALAKI ang salary mo. I gave them my price.

They wanted to meet me this week to talk about my salary. Hehehe.

___________________________________________________

Kung hindi sayo ibinigay ng Diyos ang gusto mo, ito ay dahil may ibang bagay na mas nararapat sa iyo. Bagay na naaayon sa pangangailangan mo. Bagay na mas mapapabuti ka. At bagay na mas "bagay" sayo. Nakikinig ang Diyos sa ating mga hiling pero kailangan natin maunawaan na kapag hindi pa nito oras, hindi pa Niya sa atin ito ibibigay.

4 comments:

Yuan said...

i've been applying to a number of companies for the past six months and none of them have reached the job offer part. i regret that i failed to pass in the companies that i dream of working with/for, deadma naman sa iba.

instead of being depressed and sad, i'm seeing the situation in the same way as you. that in God's time, I/we will get what I/we deserve best.

:)

PS: how's dlsu? i miss going to school badly.

Gaspard said...

DLSU's getting hotter..hindi dahil sa mga boys kundi dahil sa mga building na tinatayo around the campus...wala nang hangin! hahaha...

why don't you visit DLSU? may alumni card ka na ba? hehehe

let's pray that we'll have the best careers! :P

Anonymous said...

Di ko alam na may sense of humor ka pala. When we were dating di ka naman nagpapatawa a. Hahaha!
You know who I am. XP

Gaspard said...

Eh hindi mo ako binigyan ng chance eh..hahaha...musta na?