Sunday, January 22, 2012

Vi Fann Kärleken i En Popplös Plats

I spent the New Year with Luch sa kanilang bahay sa Bulacan.

First time ko yatang nag-celebrate ng New Year ng hindi kasama ang family ko. It was a wonderful day naman. Party party lang sa front lawn nina Luch. Iba ang New Year sa Bulacan. Medyo provincial rin kasi ang vibe sa lugar nila. Iba ang choice nila ng music, for instance. Yung mga pinatugtog nila parang nasa grade school pa ako.

First time ko din makakita ng maraming paputok up close. Hindi naman kasi ako nagpapaputok kapag New Year eh. Hihihi. Mahirap kaya kapag naputukan ka! Lalo na sa mukha. Kaya nung 12mn na, nasa loob lang ako ng bahay nila. I could see the fireworks naman from the inside eh. Takot lang talaga ako sa mga paputok. Hehehe. Maingay. Sobra. Ang mga taga-Bulacan pa naman ay adik sa mga paputok. Ang tagal ng putukan.

I was thinking, 2012 na. Ang bilis talaga ng panahon. Baka paggising ko na lang ng isang araw, malalaman ko na lang na may tungkod na ako. Hehehe. O.A. lang. Madami na pala akong naka-plano for 2012. Maraming dapat asikasuhin. Kelangan na maging isang lalaki. I'm not a boy anymore.

Hindi na ako twink. LOL.

__________________________________________________________________________

I plan to transform myself this 2012. Oo. Just like Megatron.

I was inspired sa mga pictures ng new crush ko na si Chan Than San.

Though I know hindi naman ako panget (excuse me, dadaan ako), gusto ko pa din maging epitome ng inyong mga fantasy. LOL. Nothing major naman. Eto lang ang mga gagawin ko.

- work out 5 days a week
- I have no plans to go on a diet...mamamatay ako
- tumungga ng glutathione (plan ko magpa-inject eh...I was actually talking to my derma about this since hindi pa din ako sure kung effective OR safe ang mga shots na ganito...magiging kutis Korean ka daw kapag nagpa-shot ka eh...)
- buy new clothes
- uminom ng Cherifer (tatalab pa ba sa akin yun kahit na 22 na ako?)
- drink protein shakes (yes, protein in liquid form para madali malunok..hehehehe)

Eto pala ang before and after pictures ni Chan Than San :)

from this


to this


Ano na lang kaya ang iniisip ng mga nam-bully sa kanya dati?

Oh well...Basta ganyan ang balak ko maging before mag-summer. Hahaha!

__________________________________________________________________________

I have a new job! I just started after the New Year. January 4 to be exact. They were looking for people who can speak a foreign language aside from English. And since I fit the shoes naman daw, kinuha nila ako. I was a happy camper :)

I'm still getting used to the night shift since mga European and North American ang mga taong makakatrabaho ko. It's an IT distribution company. Hindi pala call center. I'm still under training pero so far it has been great. Finally, I'll be able to practice with native speakers.

Actually, nahihirapan pa din ako makipag-usap sa kanila since mabilis sila magsalita. Nagkaka-intindihan lang talaga kami kapag sinulat nila or binagalan nila magsalita. Haha. I have to get used to this. Hehe. Fast.

Permanent na nasa night shift ako. Urgh. Pero fixed ang schedule so okay lang. Weekends off. And the salary is not bad at all. Tiyaga tiyaga na lang. Lalo na't madami akong plano this 2012. I have to be careful with my finances.

I'm also taking language classes after work. I think kailangan ko eh :)

Wish me luck :)

__________________________________________________________________________

We found LOVE in a hopeless place!

15 months na kami ni Luch and I couldn't be any happier though may mangilan-ngilan na ding instances na muntik na kami maghiwalay. Hehe. Hindi ko na lang iniisip ang mga ganun.

I miss him though. Hindi na kasi kami magkatabi matulog. Panggabi ako. Pang-umaga siya. Halos isang oras lang kami kung magkita kada araw. Pero I have to make sacrifices na din. Hindi na ako bata. I have to make important decisions at hindi na dapat magpadala sa emotions. I have responsibilities.

Luch has been extra sweet with me since limited na nga ang time namin with each other. I love him.

Maybe our 15th month together taught me to make mature decisions. Not just any decision based on impulse or something like that.

So this is our song for the month!




Maybe next month, I'll sing a song for him and post it here...Hahaha.

__________________________________________________________________________

Nakaladkad ako! Kasi naman ganito ang nangyari.

Na-late ako ng gising so hindi kami sabay sabay ng family ko pumuta ng church.

Nag-tricycle kami. Ako, yung younger sister ko at ang mom ko.

Hindi pa kami nakakaalis ng malayo ng banggain ang poor tricycle namin ng isang van ng Maynilad.

Bad trip talaga. So medyo naglevitate ang tricycle from the ground.

Muntik na kami bumaligtad actually.

Next thing I knew, wala na pala akong inuupuan. At nakasabit na lang ako sa tricycle gamit ang isa kong kamay.

Isa lang ang kinakatakot ko. Sana hindi mapahamak ang mukha ko. Hehe.

Kasi naman, kapag bumitaw ako sa pagkakakapit ko, baka magulungan ako ng van. Ayoko naman malumpo.

Mas pinili ko na lang magpakaladkad ng ilang metro bago ako bumitaw.

Ang brown leather shoes ko ay puro gasgas. Pati na din ang black skinny slacks ko.

I felt like a ninja nung bumitaw ako. Medyo gumulong pa nga ako eh. Dyahe nga kasi nakaputi ako.

BUTI NA LANG TALAGA WALANG NAPAHAMAK SA AMIN!

And from zero to sixty at 3.5, nag-transform ang Mom ko into Anabelle Rama.

Ang panget dito ay tinakasan kami ng mga taga-Maynilad nang nakita nilang wala naman daw nasaktan sa amin. On that day, ipinakulam ko sila na lumiit hanggang maging pasas ang isa nilang bayag. Nakakaasar eh. Hindi man lang nag-sorry.

Nonetheless, hindi pa din ako natinag ng nangyari sa amin. Hindi nagulo ang bangs ko. Hehe.



At mula sa putikang kalsada that Sunday morning, 


tumayo ako mula sa lusak (lusak talaga?)



more alive



stronger 



fiercer



and



poutier!

Actually, ganyan ang pose ko pagtayo ko. Ganyan din yung suot ko nung araw na yun eh, complete with the fur coat. Pero nag-tricycle lang! Ang galing ko diba?





Nung nasa church na kami at naikwento na namin kay Dad yung nangyari, kinarma daw kami kasi late na kami nagsimba. Hehehe.

2 comments:

gillboard said...

good luck sa plan for the new look. at sa bagong trabaho. congrats!!!

ang layo kaya ng hitsura mo dun sa nasa pic. :)

and yung taga maynilad, yaan mo na.at least safe kayo lahat.

Gaspard said...

thanks! haha.

anong pic yun??? hehe

oo nga eh. buti na lang talaga...