Sunday, March 18, 2012

Saturday, March 3, 2012

Början Till Slutet

Hindi ko alam kung ano ang kailangan ko maramdaman.

Buong linggo kami hindi nagpapansinan ni Luch dahil sa isang bagay.

Pagdating ng Sabado, kahapon, akala ko okay na kami.

Medyo masaya na ako. Pero hindi pa din tulad ng dati.

Sabi nya, may trabaho sya sa araw na iyon. I thought na it's a Saturday. Meron pa din syang work?

At sabi nya, susunduin na lang daw sya ni Joe that night after work.

Naniwala naman ako.

___________________________________________________________

That night, I logged in to Planet Romeo to check if Luch's still flirting online with other guys.

And yes, he's online. And yes, he's flirting online with other guys.

He told me he already stopped. We even had a huge fight last Jan. 1 because of this.

Sabi nya binabastos ko na sya kasi I was spying on him.

Frankly, I think nagalit lang sya kasi nahuli ko sya.

___________________________________________________________

I was successful in making him meet me, using the fake profile I created.

In his condo. In our bed.

Sabi ni Luch sa akin na kasama nya si Joe kasi sinundo na sya from his office.

Nagsinungaling pala sya.

___________________________________________________________

Sabi nya sa akin dati malandi lang sya online pero hindi sa tunay na buhay.

I was wrong.

___________________________________________________________

He wanted to meet me. But I told him na I won't be there until 3am (sunday morning).

Na-bad trip sya. Ang tagal ko daw. Wag na lang daw. He said goodbye.

Pero I had a feeling that something is really wrong.

From Cavite, I took a cab to Makati.

I was really in a hurry.

When I'm at his condo's door na, I heared Luch's and another guy's voice.

That's right.

He had a one night stand with some random guy while I was outside, waiting for them to finish.

___________________________________________________________

I just stood there.

Shit.

Kabit na nga ako, basahan pa. Tinatapak tapakan lang.

___________________________________________________________

Nakita ko ng harap harapan ang random guy paglabas ng condo.

Siguro nagtaka sya kung bakit ako nandun.

Putang ina. Sa gwapo kong ito, isang kutong lupa ang napag-tripan ng boyfriend ko maka-sex.

Hindi ko na lang pinansin ang random guy. Hindi nya naman kasalanan na malandi pala talaga ang boyfriend ko.

___________________________________________________________

Pinagbuksan na ako ng pintuan ni Luch.

Hindi sya maka-imik.

Walang masabi.

At that point, gusto ko magwala. Manira ng gamit.

Instead, napalakas lang ang mga sigaw ko. Puro mura. Tinawag ko syang pokpok, puta at iba pa.

Tinanong ko kung nasarapan ba sya. Sabi nya oo.

Tang ina diba?

Tinanong ko sya kung bakit sya ganun? Parang wala lang sa kanya ang nangyari. Habang ako ay nasa puntong hysterical na?

Gusto ko sya saktan pero hindi ko magawa.

Hindi nya din daw alam kung bakit nya nagawa yun.

___________________________________________________________

Ayoko na. Yinuyurakan na ng taong ito ang pagkatao ko.

___________________________________________________________

Inayos ko na ang lahat ng gamit ko sa condo. Lahat. Kahit tipong plastic, kinuha ko. Damit, sapatos, shower gel. Lahat.

Habang nagliligpit ako, nakahiga lang sya sa kama nya. Pagod na daw sya. Wala pa daw syang tulog.

Sabi ko kasalanan nya yun. Malandi sya eh.

Habang nagliligpit ako ng gamit, puro panlalait, insulto at mura ang lumalabas sa bibig ko.

Ang weird kasi hindi ako umiiyak.

Hindi ko alam kung bakit.

___________________________________________________________

Nang tapos na ako magligpit, at paalis na ako, umupo ako sa kama kung saan nakahiga si Luch.

"Bebeboy, aalis na ako."

Doon na ako tuluyang humagulgol. Mahal na mahal na mahal ko pa din ang taong ito.

Kahit na ano ang mangyari.

Umiiyak na sya. Nagso-sorry sya sa nagawa nya. Sabi nya na hindi nya din daw alam kung bakit nya nagawa iyon. He was begging me to stay. Hoping that he can still fix what he broke.

Yakap namin ang isa't-isa.

Mahal nya daw ako. At kailangan nya ako sa buhay nya.

Sabi ko hiwalayan nya si Joe.

Hindi nya daw kaya.

"Mas mahal mo talaga si Joe. Hindi na ako pwedeng ganito. Isa na ako sa pinakamababang uri ng tao." sagot ko sa kanya.

Ayaw nya akong bitiwan.

Ayaw ko din umalis sa pagkakayakap nya.

Pero hindi na talaga pwede eh.

Wala nang mangyayari sa relationship namin kung magiging kami pa din.

Sabi ko sa kanya, mami-miss ko sya.

Ayaw nya pa din ako bitiwan.

Sabi ko sa sarili ko, kapag hindi pa ako umalis within this hour, hindi na ako makikipaghiwalay...

Mas pinili kong umalis na lang.

___________________________________________________________

Nagmamakaawa na sya sa akin na huwag na ako umalis. Magbabago na daw sya. Kahit sakalin ko pa sya. Mag-stay lang daw ako with him.

Sabi ko bigyan nya ako ng panahong makapag-isip.

At sasabihin ko sa kanya kung magiging kami pa din.

Pumayag na sya.

"Pero alam ko na kapag nakapag-isip ka pa, bukas o makalawa, alam ko na hindi mo na ako babalikan. Kaya sabihin mo na sa akin na dito ka na lang." sabi ni Luch.

Hindi ako pumayag. Pag-iisipan ko muna,

Nakiusap sya sa akin. Na kapag nag-iisip ako, isipin ko din ang mga masasayang bagay na nangyari sa aming dalawa sa loob ng halos 1 at kalahating taon. Huwag lang lahat ng negative.

Pinangako ko sa kanya yun.

Iniwan ko na sa kanya ang susi ko ng condo at nasa pintuan na ako.

Mahal na mahal nya ako. Alam ko na totoo yun.

At mahal na mahal ko din si Luch.

Matagal ang mga yakap at halik namin sa isa't-isa.

Palabas na ako sa aming munting mundo.

Dala ang aking mga gamit, nagpa-alam na ako kay Luch.

Hindi namin alam kung magkikita pa kami. O kung babalikan ko pa sya.

___________________________________________________________


Pero sa tingin ko, alam nyo na ang nasa isip ko. Ang sagot sa tanong namin sa isa't-isa.

___________________________________________________________

One last look at him, I saw him really sad because of what he did to me.

I am sad because of what happened to us.

I didn't know that freedom could taste so bitter.

I felt his eyes following me as I disappeared towards the elevators.

___________________________________________________________

I looked at myself in the elevator mirror.

I love him with my entire being. With my entire heart. My soul and life.

But now, I should learn to love myself too.

___________________________________________________________

Kung binabasa mo ito Luch, mahal na mahal na mahal pa din kita.

Hindi ko alam kung kailan kita masasagot ng harapan.

Hindi ko alam kung magkikita pa talaga tayo.

Panahon lang ang makakapagsabi.

Ang dami kong mami-miss sayo.

Sana lang ay may matutunan tayo sa kinahinatnan nating dalawa.

Hindi ko alam kung ano na ang gagawin ko sa sarili ko.

Sana maging masaya kayo ni Joe.

Mahal na mahal na mahal kita at hindi ako magsasawang sabihin sayo yun.





Sana mayakap pa kita ulit Bebeboy,


Mula sa iyong Bebeboink