Sunday, May 6, 2012

Efter Bikini Tävlingen

These are the things that happened on the Bikini Open Contest Thingy na sa kasamaang palad ay nakasali ako....

Read this if you want a bit of a background.

_____________________________________________________________

Una sa lahat, gusto kong sabihing na-miss ko ang pagsusulat sa journal ko na ito. Hehe. Though medyo nawalan na din ako ng time kasi busy sa work and classes.

_____________________________________________________________

So eto na nga ang nangyari.

Meron pala kaming pre-pageant. Doon kami unang rarampa, ipapakilala sa mga judges and may question and answer pa! (Ang weird lang. Bikini open tapos may question and answer?)

So habang rumarampa daw kami sa runway ay ipinapakita ang aming mga pictures sa isang widescreen monitor na nasa stage. Tapos live din syang pinapalabas sa lahat ng TV sa buong office namin.

Nahiya naman ako sa makinis kong balat. Charito!

Iba pala ang feeling kapag alam mong medyo skimpy ang suot mo tapos haharap ka sa mga tao. Hindi talaga ako sanay. (Yes, I've been modeling for quite some time pero hindi ko masyado ginagawa ang ramp modeling, lalo na ang mga contest na ganito.)

_____________________________________________________________

Step 1: Preparation

Sinabi sa akin ng nag-organize ng pageant na ito na I look to thin for my height. Ako kasi ang pinakamatangkad sa lahat ng contestants eh.

Nagwala ako tapos sinabi ko na pinupuyat ako ng punyetang pageant na ito. Paanong hindi ako papayat?!?!

Joke lang.

Binato nya ako ng isang drum na protein shake.











Sabi ko dito na lang ako kukuha ng protina. 








Mahirap na. Baka maubusan. Kelangan ng extra.


Oo. Dapat talaga sila ang tagabigay ng protina sa akin! Haha!








Nagpa-derma din naman ako. Nagpa-scrub ng katawan. Kung ano-anong lotion ang ginamit sa katawan. Nagpagupit para cute. (Hindi ko bet magpa-semi kalbo. Most sa mga nakasama ko sa pageant na ito ay puro semi-kalbo eh. And alam kong hindi din naman bagay sa akin yun eh.) Itinodo ko na ang pagiging vain kasi for a cause naman eh (parang charity lang?).


Namili na din ako ng damit. And yes, nakuha ko ang gusto kong gayahin. Ang Mario Maurer-sailor-look.


See below.



Nakuha ko ang jacket sa women's section ng department store. Haha. At yung shorts ay nabili sa teen's section. Girl's din. LOL. And YES, naka-shorts lang muna ako. Take note. Muna.

At since hindi naman ako tumataba kahit na ano kainin ko (tapos sabay na nagwo-work out ulit ako), kahit na ano ang kinakain ko. Walang diet diet. Hindi uso sa akin yun. Hindi ko kayang mawala sa akin ang mga pagkain na nagpapa-tanggal stress!

_____________________________________________________________

Step 2: The Big Reveal

So dumating na nga ang araw ng pre-pageant.

Yung ibang guys naman na kasali din sa pageant, uhmmm....okay lang..sakto lang. Hindi ko sila natipuhan. Iba lang talaga siguro ang taste ko.

I felt good that day. Hindi ko alam. Kasi siguro liberating ang experience for a conservative (conservative talaga?!?) boy like me.

May mga nagpakuha din ng pictures and autographs. HAHAHA! May mga nanghingi din ng number ko. Sabi ko, number 12. Ayun lang.

So eto na nga, lalabas na ako sa ramp. Medyo kinakabahan. Iniisip ko, wag ka matatalisod! Wag ka madadapa! At walang indecent exposure! LOL.

Lakad.

Feel the beat.

Lakad.

Do the sexy walk.

Lakad.

Confidence!

Lakad.

Smile na pa-cute sabay tanggal ng jacket.

Lakad.

Then POSE!



Served with an extra smile. (Ayan po talaga ang picture na lumabas...Paumanhin. Hindi ako prepared.)

________________________________________________________

Step 3: The Q and A Portion

Eto talaga ang hindi ko mag-gets eh. Bakit may Q and A sa isang bikini contest. Hindi naman ito Miss Universe diba?

Contestant Number 1

Q: Sally likes 225 but not 224; she likes 900 but not 800; she likes 144 but not 145. Which does she like - 1600 or 1700?

A: Tenk yewr for the kwestyen. I like Sally. Tenk Yewr.

Contestant Number 25

Q: Is the theory of cosmic inflation correct, and if so, what are the details of this epoch?

A: (Hindi na sya naka-sagot. Nag-collapse na lang si Contestant Number 25)

Contestant Number 479

Q: Suppose that you initiated a short position in stock A, selling when the market price was $75 per share. The stock price has fallen to $69 per share. Now assume that you buy a put option to protect your position. Your put has a strike price of $69 per share, m aturity of 6 months, and the per share premium is $2.95. What is your maximum possible gain and loss with the protective put?

A: (Smiles) Can you please repeat the question again, one more time, once more? Please Ma'am Sir.

Contestant Number 872.25

Q: Please explain the proverb shown on the widescreen and please relate your answer to your experience in this competition.

* contestant number 872.25 looks at the screen and reads*

"冰冻三尺,非一日之寒 滴水之恩,当以涌泉相报 老骥伏枥,志在千里 肉包子打狗"

A: Ni hao ma! Sio mai! Sio pao mami, sushi toyota samsung. Shawarma kebab! Tenk yewr!

Palakpakan ang mga judges. Promise, nakita ko yung isang judge naluha sa saya.







Now, it's my turn.






Host: So, contestant number 12, how are you?

Me: Hungry.

Host: Well said. Well said. Finally, we can say that you are not just a pretty face but also a person of intellect.

Me: You are very kind. (sabay ngiti na hanggang tenga)

Host: Pick a question from our bowl to see who among the judges will be giving you the question.

Me: Keanna Reeves.

Host: Miss Reeves, your question please.

Reeves: Bakit ka lumahok sa isang patimpalak na tulad nito? Maihahalintulad mo ba ito sa mga pinakamagandang pagkakataon sa buhay mo?

Me: I'll be needing translation services, please.

Reeves: Ay bakla nga! Panalo ka na teh! AURA na!

They, the judges, the hosts and the audience gave me a standing ovation.

I rest my case :)


________________________________________________________

After that, rampa lang ulit. Ngiti. Kunwari best friends kami ng mga contestants.


Sa wakas tapos na ang pre-pageant. Sa wakas! Yung main event na lang!


________________________________________________________

Step 4: The Main Pageant

Dinaig pa namin ang production number ng Miss Universe. All out Brazilian ang theme!

Tinawagan ko nga sina Gisele, Adriana at Alessandra para naman matulungan ako.

In the end, busy daw sila. Si Tita Swarding na lang ang sumuporta sa akin.

Bongga ang stage! Ayun lang.

Sa main pageant, wala na kaming gagawin masyado. Maghihintay lang ng results. Ngiti. Rampa. Kasi naman lahat ng gagawin dapat ay ginawa na sa pre-pageant.

________________________________________________________

Step 5: The Results

Hindi naman talaga ako nag-e-expect na manalo kasi alam ko hilaw pa ako para sa mga contest na ito. Unlike sa ibang contestants na parang sinulid lang ang suot, keri na nila. Yung isa nga yata parang tanning lotion lang ang sinuot. Ako naman ay naka-skimpy short lang. Hindi ko kaya maging revealing. Chos. Haha.

In the end, consolation prize lang ang nakuha ko for not following the rules. Hahaha.

Bikini open nga eh. Dapat naka-bikini.

Pero okay lang. Gwapo naman ako.

At okay na ang consolation prize na binigay sa akin.

See below.



AT HINDI AKO NAG-SHARE SA PRIZE KO.



AKO NA!



AKO NA TALAGA ANG MADAMOT!


End.

________________________________________________________



Na-miss ko magsulat. Hehe.

Kamusta na kayo?