Saturday, September 29, 2012

Tagen På Bar Gärning

Ang nakaraan, ang pagbabalikan namin ni Luch : click here.

________________________________________________________________________________


This post is going to be relatively short.

As some of you may have known, Luch and I are back together.

I know. Some of you may not agree but what the hell. Let me screw myself up one more time :P

Anyway, let's go to the real story.

Napanood nyo na ba ang "No Other Woman"? Or yung "The Mistress"?

Specifically, napanood nyo na ba nag mga scenes kung saan nagkita face to face ang mga kerida at ang tunny na asawa? Tapos nag-away ng todo todo. With matching killer lines na daig pa kay Sherri Gil?



Well, that happened to us just recently.



Bongga diba? Life imitates art! Ang difference nga lang, mas maganda ang gumanap na kerida kesa kina Bea Alonzo at Anne Curtis. Combined. Chos.


Scene 1:

Setting : Condo namin ni Luch. Sunday morning. Around 8:45am.

Characters : Gaspard and Luch in bed.

Luch : (on the phone with Joe) Sige, tawagan mo na lang ako kapag malapit ka na dito sa condo. Baba 
na lang ako. Meet tayo sa lobby.

Gaspard: (tahimik lang kasi baka marinig sa phone)

Luch: (still on the phone with Joe) Sige. Bye mahal. See you later. (ends phone call)

Gaspard: Saan ba kayo pupunta today?

Luch: Madami nag eh. Medyo busy nag schedule naming today.

Gaspard: Magprepare ka na.

Luch: Love you.

Luch will be taking a shower, preparing for his day with Joe. While Gaspard is still in bed, pretending to be asleep but secretly looking at Luch, enjoying his nakedness. Ahihihi.

After 30 minutes.

Luch: Alis na ako ha. Malapit na daw sya. Baba na ako ng condo ha.

Gaspard: Sige. Ingat kayo ha. Love you.

Luch: Love you too. Umuwi ka agad sa inyo ha! Wag ka na magstay dito! Baka hapon ka na naman 
umuwi nyan!

Gaspard: Hindi na. Pag-alis mo, liligpitin ko na agad ang mga gamit ko. Promise.

Luch: Baba na ako ha. Mahal na mahal kita.

Gaspard: Ingat. Text na lang kita.

Luch exits out the door. Gaspard locks the door.

After 5 minutes.

Knocking on the door.

Gaspard quickly opens the door thinking it's Luch but was shocked and surprised to see it was Joe.

Joe: (looking at the unit number) Nasan si Luch?

Gaspard: What are you doing here?

Joe: Nasan si Luch?

Gaspard: Have you checked outside?

Nilapag ni Joe ang kanyang mga gamit sa kama at dali-daling lumabas ng condo.Gaspard texts Luch to go back up to our unit as Joe's with Gaspard.After 5 minutes, Joe and Luch enters the condo. All 3 characters are now in the scene.

______________________________________________________________________________

Scene 2:

Setting: Still inside the condo

Characters: Joe, Luch and Gaspard

Joe is furious. Standing on the far side of the condo. Luch standing in between the two. Gaspard sitting on the bed.

Joe: Ano ibig sabihin nito?

Luch: Dito nakatira si Gaspard.

Joe: And? Ano? Saan ka natutulog Gaspard?

Gaspard: Sa kama.

Joe: Magkatabi kayo ni Luch?

Luch: Oo. Magkatabi kami.

Joe: Bakit???

Luch: Kasi boyfriend ko sya.

Joe: (picked up something and smashed it to the floor)

Joe: Kelan pa ito nagsimula?

Gaspard: Matagal na din.

Joe: Tuwing kelan ka nandito?

Gaspard: Kapag wala ka.

Joe: Ah salamat ha. Kasi binibigay mo pa sa akin ang Sunday.

Gaspard: (to himself) You're welcome.

Gaspard: Luch, pwede ka ba muna lumabas ng condo. Mag-uusap muna kami ni Joe.

Luch: Hindi. Dito lang ako. Baka kung ano pa ang gawin nyo.

Gaspard: Please Luch.

Joe: Lumabas ka na!

Reluctantly, Luch exits.

Joe: Respeto na lang sa akin at sa kung ano ang meron sa amin ni Luch.

Gaspard: (Tahimik lang at hindi sasagot.)

Joe: Please layuan mo na si Luch. Hindi ka naman nya mahal. Fling ka lang.

Gaspard: (Tahimik lang at makikinig.)

Joe: Respeto mo na lang aming dalawa. Alam kong matalino ka at alam mo kung ano ang ibig kong 
sabihin. Aalis ka ngayon at dadalhin mo lahat ng gamit mo.

Gaspard: Alam mo Joe, naglolokohan na lang kayo ni Luch.

Joe: Hindi mo alam kung ano ang sinasabi mo.

Gaspard: Alam ko. 

Joe: Gaspard, kapag umalis ka dito, tatanggapin ko pa din si Luch. Mamaya, wala na sa akin ito. Kapag 
nawala sa akin si Luch, parang nawalan na din ako ng kapamilya. Gaspard, limang taon na kami.

Gaspard: (to himself) Magkapamilya na lang pala kayo eh. Kaya pala hindi na kayo nagse-sex.

Joe: Alam mo bang tinatrack ako ni Luch? Nung nalaman nyang nakikipag-meet ako sa iba?

Gaspard: (to himself) Alam ko lahat yan. 

Joe: Nagbago na ako nun. Hindi na ako katulad ng dati.

Gaspard: Naglolokohan na lang kayo.

Joe: Ganito ka pala. Naninira ka na nga ng relasyon, naninira ka pa nang araw?

Gaspard: (to himself) Ano pa nag sisirain ko? Sira na kayo to begin with. Even before nyo ako makilala.

Joe: Kung ikukumpara ka sa akin, wala ako. Mas bata ka. Mas matangkad. Mas gwapo. Ikaw ang mas pansinin kung lalabas tayo ng sabay. Madami namang iba dyan. Wag na si Luch. Madaming mas bagay sa iyo.

Gaspard: (to himself) Alam mo, madami ding tubig sa mundo, pero hindi ibig sabihin, pwede mo itong inumin kahit saan. Tubig alat lang? Ano ako? Isda?

Joe: Kung ako sa iyo, aalis na ako. Kasing hiyang hiya na ako. Kasi nakita ka ng tunay na boyfriend. Lusaw na lusaw na ako kung sa akin nangyari yan. Kung ako sayo aalis na ako ngayon na. Kuhanin mo na ang gamit mo. Wag ka na bumalik ha.

Gaspard: (hindi pa din umiimik at hindi pa din kumikilos sa pagkaka-upo sa kama)Papasok si Luch sa condo.

Joe: Nag-usap na kami ni Gaspard. Aalis na daw sya at hindi na babalik. Sabi nya sa akin.

Gaspard: (to himself) Tanga ka? Hindi nga ako sumasagot sa mga tanong mo eh. Wag kang assuming!

Luch: Hindi aalis dito si Gaspard. Dito lang sya.

Joe: Bakit???

Luch: Kasi boyfriend ko sya.

Joe: Hindi mo ba ako boyfriend?

Luch: Boyfriend din kita.

Joe: AYOKO NG MAY IBA!

Luch: Hindi pwede yun. Mahal ko din si Gaspard.

Joe: Kelangan mo mamili. Kung hindi ka mimimili, ako ang aalis. Gusto mo ba yun?

Luch: Kung ayun ang gusto mo.

Joe: Aalis ako kung hindi sya ang aalis.

Luch: Kung ayun ang gusto mo, umalis ka.

Joe: UMALIS KA NA GASPARD! Dalhin mo na lahat ng gamit mo.

Gaspard: (to himself) Ay, napahiya? Shit. Kung sa akin sinabi yun, aalis na ako.

Biglang tatayo si Gaspard mula sa pagkaka-upo. Hindi na nya makayanan ang nangyayari. Bored na 
kasi sya sa litanya ni Joe. Kunwaring magliligpit ng gamit si Gaspard at magpe-prepare para lumabas ng condo.

Habang nagliligpit si Gaspard..

Luch: Please wag mo gawin ito, Gaspard. Wag ka umalis.

Joe: WAG MO SYA HAWAKAN.

Patuloy lang si Gaspard sa kanyang pagliligpit. Akala ni Luch na tuluyan nang lalayo si Gaspard sa kanya,

Luch: (to Joe and Gaspard) GUSTO KO PAGBALIK KO SA CONDO, WALA NA KAYONG DALAWA DITO HA!

Biglang exit si Luch.

Gaspard: Tingnan mo ang ginawa mo! Wala na si Luch! (iiyak at biglang mauupo sa kama)

Mauupo din si Joe sa kama. Mabibigla si Gaspard sa ganiwa ni Joe. Pinapatahan ni Joe si Gaspard sa pag-iyak. Kukuha ng tubig si Joe sa ref pero malalaman nitong ubos na pala ang tubig.Magkatabing nakaupo si Joe at Gaspard sa kama.

Gaspard: Madaming beses na ako nakapunta sa puntod ng lola ni Luch. At kilala na din ako ng pamilya nya.

Joe: Mahal ka nga ni Luch. Pero please. Umalis ka na. Ikaw na lang ang lumayo.

Tatayo si Gaspard at akmang magliligpit. Kunwaring mag-aayos ng gamit.

Babalik si Joe sa dati nyang pwesto.

Pagod na si Gaspard sa kadramahan ni Joe.May mare-receive na text si Gaspard from Luch."Please stay."At lalabas lalo ang sungay ni Gaspard.


________________________________________________________________________________

Scene 3:

Setting: Sa loob pa din ng condo.

Characters: Joe, Luch and Gaspard

After a few minutes, babalik si Luch sa condo. Nakita ni Luch na tapos na magligpit ng gamit si Gaspard.

Luch: Please iwanan mo ang gamit mo. Umuwi ka muna tapos bumalik ka dito bukas.

Joe: Siguraduhin mong dala mo lahat ng damit mo kung ayaw mong makita sa labas ang mga yun. Kuhanin mo na din mga sapatos mo.

Gaspard: Galawin mo na ang lahat pero wag na wag mong gagalawin ang mga damit at sapatos ko.

Joe: Umalis ka na lang. Kuhanin mo na yan!

Luch: Pwede ba Joe wag mo na ganyanin si Gaspard. Toxic na sa kanya eh.

Joe: SA AKIN BA HINDI TOXIC???????

Luch: Sige na Gaspard. Umalis ka na muna. Mag-uusap kami ni Joe.

Joe: WAG MO SYA HAHAWAKAN!

Luch: Umuwi ka na. Text mo na lang ako.

Gaspard: Sige aalis na ako. Iiwan ko ang mga gamit ko. Pero (to Joe), wag na wag mo sasaktan si Luch.

Joe: Wala kang pakialam kung ano ang gusto kong gawin kay Luch. Akin yan, mula ulo hanggang paa!

Gaspard: (to himself) Ah talaga? Kasi I own every inch of him. As in "every inch". Sabay titig ng fierce sa mataba at malapad na mukha ni Joe.

Paglabas na paglabas ng condo ni Gaspard, maririnig nyang mag-gagalabugan ang buong condo at may nagsisigawan.

Babalik ng condo si Gaspard at biglang kukuhanin ang kutsilyo.

Joe: Sige! Saksakin mo ako! Ituloy mo!

Gaspard: Tanga ka? Bakit kita sasaksakin? Kukuhanin ko itong kutsilyo kasi baka magsaksakan kayo! (sabay walk out sa condo).

Isasara muli ang pinto. Mananatiling nasa labas ng condo si Gaspard.

Maririnig nyang nag-uusap na lang sina Joe at Luch. 

Maghihintay ng halos 2 oras si Gaspard sa labas ng condo.

Nang nalaman nyang okay at mahinahon na sina Luch, uuwi na si Gaspard papuntang Cavite. Uuwing matagumpay. Sa akala nya.

Naka-headphones si Gaspard habang nagbibiyahe pauwi. Tumutugtog ang "And I'm Telling You" ni Jennifer Hudson sa background.



*** END ***



Mga natuklasan ko sa araw na ito:

- manhid na si Joe. Bulag na bulag na sya to the point na niloloko nya na lang ang sarili nya. Kung sa akin nangyari ito, and after marinig na papayag si Luch na umalis sya, aalis na ako.

- hindi na talaga sila nagse-sex. Ano pa ang relationship doon? Aminin na natin na isang malaking part pa din ng isang relationship ang intimacy. Kung wala na yun, friends na lang kayo. Ano yun? 
Companionship na lang?

- Mabait na tao si Joe.

- Mas mahal ako ni Luch. Ayaw nya lang aminin sa aming dalawa.

- Masama ang ugali ko. Kahit na tahimik lang ako.

- Weird matawag na "kerida" sa tunay na buhay.

- hindi mo masisira ang isang bagay na sira na sa umpisa pa lang

- after ng pangyayari na ito, napansin kong mas masaya na si Luch. Wala na kasing itinatago eh.

- Pilit na binabakuran ni Joe si Luch ngayon. Kaya pati ang time ko sa weekend, kukuhanin nya na din. Sabi sa akin ni Luch, intindihin ko na lang daw. Magsasawa din yan after a few weeks, katulad dati.

- For the mean time, I'm free muna kappa weekends.

- wala nang thrill kasi alam na. Chos.

- hindi ko maiwan si Luch kahit na ganito sitwasyon namin

- May nananalo din palang 3rd party sa isang relationship kahit minsan

- hindi ako okay sa bago naming schedule ni Luch

- nalaman kong gusto bilhan ng bagong phone ni Joe si Luch . . . as if it will make  something up for their ruined relationship (at least I don't buy people's love and attention) (oo alam ko. Napakasama ko.)- sinabi ni Joe kay Luch na magaling daw si Luch mamili ng kerida…

- hindi ko alam kung ano ang mangyayari na sa amin ni Luch. Stay tuned na lang talaga.

Sunday, September 2, 2012

Ännu ett år, en annan födelsedag

I just thought of updating this blog after a very long time.

And this is just a continuation of what happened here and this.



May mga nagtanong kung kaninong kamay ang hawak ko sa picture na ito...Malalaman nyo na kung sino.




Medyo matagal na din kami magkakilala ng lalaking ito.

Gwapo sya at matipuno.

Tisoy kaya type ko.

Malakas ang sense of humor at higit sa lahat, marunong makipagsabayan sa pagiging immature ko.

I started going out with this new guy since last March.

I asked him tons of questions about the things he's done in the past.

He answered them truthfully.

I can tell his sincerity sa mga sagot nya sa akin.

Hindi na ako nagtanong pa ng iba.

For the first time, in a long time, I was satisfied with his answers. No more cliff hangers. No more "I'll-tell-you-next-time" sort of answers.

Although medyo matagal ko na sya kilala, may nalalaman pa din akong bago sa kanyang bago.

Bigla syang nagbago since the last time we met.

Which is quite weird.

Natatandaan ko na sinabi nya sa akin dati na he'll tell me some secrets in due time.

He told me that nung around 2 or 3 months pa lang kami magkakilala.

I didn' expect na sasabihin nya na sa akin ang mga sikretong iyon.

He was being apologetic.

He made me laugh.

He made me feel loved.

I just missed Luch even more.

_______________________________________________________________________________

It was this guy's birthday just recently.

I just bought 3 mini cakes from Starbucks because there's no decent bake shop na open ng ganung kaaga.



It was a Saturday.

I took a cab and went to his place really early in the morning.

I'll surprise him, I said to myself.

I'll make his birthday the best day ever.

_______________________________________________________________________________

And so I did.

And he loved it.

And he loved me.

Even more.

_______________________________________________________________________________

I don't know if we're being too fast.

Or if we've already moved on.

But I didn't care.

I had my own piece of heaven here beside me.

Eto na naman ako....Nagpapadala sa bugso ng damdamin at emosyon.

Pero bahala na si Batman. Ewan ko kung ano ang kinalaman nya dito sa story na ito pero bahala na sya.

_______________________________________________________________________________

He told me he loves me. With all his heart.

That tone was different from the last time I've heard it being said to me.

In a heartbeat, I told him I love him too.

I let my walls down again.

Sigh.

So soon.

_______________________________________________________________________________

I sang him a happy birthday before we went to sleep.

We were hugging each other.

He ran his hands through my hair and kissed me. A very different kind of kiss.

Kasi gums to gums. LOL.

And we slept until our heads ached.

_______________________________________________________________________________

Happy Birthday Luch :)